MAY malaking kuwestiyon ngayon makaraang mabulgar ang pagiging fraternity brother nitong si Sen. Sonny Angara sa mga opisyales ng Games and Amusement Board (GAB) na nauna nang iniulat na tumatanggap ng regular na payola mula sa kilalang gambling lords ng bansa.
Ang pagkakaungkat ng nilulumot na isyu tungkol sa illegal gambling payola ay muling yumakap sa mga topic ng ilang kolumnista sa mga pahayagan makaraang ibulgar ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi ang proliferation ng illegal numbers game na jueteng na nakakubli sa prangkisa ng legal na STL.
Ayon sa sources ng inyong lingkod, lumalabas na ilang matataas na opisyal ng GAB na pawang miyembro ng Sigma Rho ang direktang nasa payola list ng gambling lords ng Central, Northern at Southern Luzon.
Bagama’t may dossiers na patungkol dito, hindi ito maaksiyonan ng law enforcement agencies dahil sa umano’y koneksiyon sa isang mataas na opisyal ng Office of The President.
Ilan naman sa mga bigtime gambling lords na umano’y lantarang nag-o-operate ng jueteng cum STL ay sina B. PINEDA, Double EY, BOGS ATAYDE, MAGBUHOS, CESAR REYES, OTTO BALBOA, RENE REYES, EDDIE ‘KABAYO’ GONZALES, RENE IMPERIAL, DON RAMON FREZA, VICEO, GIL TEPANG, at ang bagong sumisibol at sumisikat na si DANTE ALVAREZ ng Laguna.
Kasama rin sa mga opisyal ng PNP na umano’y inutil laban sa jueteng at iba pang ilegal na bisyo ayon sa hawak nating intel report na ‘dubbed as classified’ ay si Region 4A Director, Chief Supt. Richard Albano.
Sa balwarte umano ni Gen. Albano pinakatalamak ang illegal gambling operations na kina-roroonan umano ang bigtime STL cum jueteng operators at ang mga pergalan na sugal lupa.
Sa dami naman ng mga kilalang gambling lords, hindi pa rin pinagtutuunan ng pansin ng komite ni Sen. Angara na ipatawag sila upang isalang sa isang Senate investigation.
Ayon sa ating sources, iniiwasan ni Angara na mabangga ang kanyang mga fraternity brods at ilan pang personalidad na patong sa jueteng operations.
Isa si Executive Secretary Jojo Ochoa sa sina-sabing ninong ng jueteng operation sa buong Luzon.
Sinikap ng inyong lingkod na makuha ang panig ng Kalihim ngunit tila imposible siyang makapanayam sa dami umano ng schedules ng mama.
Kung ganitong hindi maapuhap si Ochoa para matanong hinggil sa nasabing isyu, at nagmamalatuba rin si Sen. Sonny Angara na obviously ay umiiwas na talakayin ang kontrobersiyal na isyu ng jueteng, e sino pang Herodes ang tatakbuhan ng mamamayan para mapatigil ang ilegal na sugal? Si Penoy este PNoy na abala rin sa kung ano-anong bagay!
Sayang si Sen. Angara, napakalinis pa naman ng kanyang imahen na binabatikan lamang ng ilan niyang trusted na tauhan na direktang nagtatampisaw sa katas ng ilegal na sugal.
Alam mo kaya Sen. Angara kung sino-sino sa mga tao mong ‘patong’ sa tengwe?
May kasunod…
Abangan!
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email [email protected]
TARGET – Rex Cayanong