ANG feng shui ay ibinase sa isang grupo ng konsepto na subjective; at katulad ng ibang konsepto, hindi ito ang mismong reyalidad. Ang feng shui ay isang simpleng paraan ng pag-unawa sa mundo. Ang susi rito ay hindi kung anong konsepto ang tama o mali kundi kung anong set ng konsepto o paniniwala ang nararapat para sa iyo.
Kung nais mong ipatupad ang feng shui perception ng sansinukuban, ikaw ay magtatamo ng interestanteng mga ideya tungkol sa kung paano ka higit na makikipag-ugnayan sa iyong kapaligiran, at ikaw ay magtatamo ng sariwang mga pananaw kung paano mo pa mapagbubuti ang iyong buhay.
Katulad ng iba pang mga paksa, ang feng shui ay nakabatay mula sa common sense patungo sa certain aspects na maaaring magpalawak maging ng paniniwala ng isang napaka-inosenteng tao.
Upang maalis myths and superstition, mahalagang maunawaan ang paksa at sikaping balikan ang key concepts upang lalo pang maintindihan. Ano man ang iyong gamitin bilang feng shui remedy ay dapat nitong mabago ang enerhiya ng espasyo o paraan kung paano mo masasagap ang nasabing enerhiya.
Halimbawa, ang halaman ay naglalabas ng sarili niyang living energy kaya naman binabago nito ang enerhiya sa loob ng kwarto; ang paglilipat naman ng pwesto sa kama ay naglalantad sa iyo sa iba’t ibang enerhiya habang ikaw ay natutulog.
Sa Chinese culture, ang ilang mga object ay mayroong simbolikong impluwensya na walang katulad na epekto sa ibang mga taong iba ang kultura. Halimbawa, ang three-legged toad ay may espesipikong connotations sa ilang mga tao sa China, at bawa’t sandaling nakikita ang mga ito ng ibang mga tao, pakiramdam nila sila’y naiiba. Ang katulad nitong mga bagay ay nagpapabago ng atmosphere sa lugar, ngunit nakabatay sa paniniwala alinsunod sa myth and superstition.
ni Lady Choi