Wednesday , November 20 2024

Amazing: Virgin kinabitan ng bionic penis (Napinsala sa aksidente)

082615 shift clutch gear

NAGING mahirap ang buhay para kay Mohammed Abad. Sinabi ng 43-year-old virgin mula sa Edinburgh, Scotland, “lost all of my genitals” nang siya ay mabundol ng kotse at nakaladkad nang 600 talampakan noong siya ay 6-anyos pa lamang, ayon sa ulat ng The Sun.

Makalipas ang 37 taon, nagkaroon siya ng bagong buhay — at sex—makaraan kabitan siya ng mga surgeon ng University College London ng 8-inch bionic penis. Gamit ang button sa kanyang scrotum, maaaring palakihin ni Abad ang kanyang pagkalalaki sa pamamagitan ng likido mula sa implants sa kanyang tiyan.

“When you want a bit of action you press the ‘on’ button, and when you are finished you press another button. It takes seconds,” pahayag niya sa The Sun.

Umabot ng tatlong taon ang mga doktor at ilang dosenang operasyon ang isinagawa para mabuo at maikabit ang bionic penis, gamit ang molded skin grafts mula sa kanyang braso.

Ang final operation na isinagawa nitong nakaraang buwan ay umabot ng 11 oras.

Sa kasalukuyan ay naghahanap siya ng babaeng kanyang mamahalin.

Noong 2013, lumabas si Abad sa news segment na pinamagatang “Embarrassing Bodies,” at sinabi niya na ang kanyang “penis” makaraan ang aksidente, na halos 2 inches lamang, ay walang pakiramdam, ayon sa The Daily Mail.

Ngunit hindi si Abad ang unang taong nagkaroon bagong ari na kanyang ipagmamalaki.

Isang hindi nakilalang lalaki sa South Africa ang kauna-unahan sa mundo na nakatanggap ng penis transplant nitong nakaraang taon at ngayon ay magkakaroon na ng anak, ayon sa ulat ng Reuters.

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *