Wednesday , November 20 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Puting ahas na payat

00 PanaginipGud am Señor H,

Ask ko lng po kung anong ibig sabihin ng panaginip ko. Nanaginip po kc ako ng puting ahas na payat at mahaba. Pilit po niya akong hinahabol at kinakagat po ako sa paa. Noong nagpasaklolo po ako sa aking ama pinutol po nya agad ang ulo nito at namatay. C Ms. Jane Ann po ito ng San Jose del Monte, Bulacan. Thanks po (09361463009)

To Ms. Jane Ann,

Ang ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge, at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes. Dahi ang mama mo ang nakapanaginip na may alaga kang ahas, posible rin namang nagpapahiwatig ito na may taong hindi dapat pagkatiwalaan at mas mabuti kung iiwasan.

Kapag naman nanaginip na ikaw ay hinahabol, ito ay nagpapakita na ikaw ay umiiwas sa sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo magagawa o wala kang mapapala. Kadalasan din na ito ay isang uri ng metaphor na nagsasaad ng iyong insecurity.

Kapag nanaginip na kinakagat, maaaring ito ay nagpapahiwatig ng isang babala sa isang tao na gusto kang saktan. Maaaring ito ay sa pamamaraang pisikal o pinansiyal. Mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo. Posibleng may kaugnayan din ito sa vulnerability mo sa ilang mga isyu o emosyon na hindi pa natutuldukan. Maaari kang pestehin ng isang suliranin o ng isang balakid. Maaari rin na ito ay isang metaphor na nagsasabing you have bitten off more than you can chew. Kaya posibleng paalala rin ito na dapat maghinay-hinay sa mga bagay na hindi mo kayang gawin o hindi dapat na madaliin.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *