Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Chiz, no choice sa gustong bilang na anak ni Heart

021615 chiz heart
WALANG magawa si Sen. Chiz Escudero kung hindi respetuhin ang kagustuhan ng kaniyang magandang maybahay na si Heart Evangelista na hanggang dalawang supling lamang ang kaya niyang ibigay sa mister.

Pagbibiro ng senador, gustuhin man niyang lima ang maging anak nila ni Heart, iginagalang niya ang kahilingan ng misis na dalawa lamang ang kanilang maging mga anak upang matutukan at mabigyan nila ng pantay na atensIyon ang mga ito, kasama ang mga kambal na anak ni Senator Chiz.

Binabalak na ng mag-asawa na magkaroon sila ng anak sa susunod na taon matuloy man o hindi ang pagtakbo ni Chiz sa mas mataas na posisyon sa halalan sa 2016.

“Siguro, next year pa. Balak namin siguro, hanggang dalawa lang.  Iyon ang gusto niya,” sabi ni Chiz sa isang panayam patungkol sa kaniyang misis.

“‘Ika nga, bilang paggalang sa desisyon at karapatan ng ating mga kababaihan, sila ang dapat nagsasabi kung ilan, hindi iyong lalaki. Hindi naman tayo ang magbubuntis,”  dagdag pa ng senador.

Nauna rito, ibinahagi ni Chiz ang kanilang plano na magdaos ng simpleng “renewal of vows” sa kanilang first wedding anniversary sa Pebrero 15 sa susunod na taon, this time, kasama ang mga magulang ni Heart.

Ang okasyon ay magsisilbi ring isang pasasalamat para sa magandang relasyon  ng kanilang mga pamilya matapos ang naunang hindi pagkakaintindihan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …