Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Landslide win ng mga Ynares sa Rizal, expected na! (Ang bumangga, giba!)

00 rex target logoLABING-ANIM (16) na barangays sa lungsod ng Antipolo ang kompirmadong balwarte ni Mayor Jun Ynares.

Isa ang Barangay San Jose ni Kapitan Felicito ‘ITO’ Garcia na itinuturing na pagmumulan ng 100% suporta sa butihing ‘action mayor.’

Sa unang termino pa lamang ni Mayor Jun, nabura niya ang mga naging accomplishments ng mga alkaldeng namuno sa Antipolo.

Maning-mani lamang kay Mayor Jun Ynares ang mga nagawa na niyang pagbabago para sa mas ikauunlad ng lungsod.

Mula sa libreng school supplies na regular na ipinagkakaloob sa lahat ng public schools sa Antipolo hanggang sa mga pangunahing ‘basic services’ na noo’y napakahirap makamtan ng mga mamamayan ng siyudad ay masagana na ngayong tinatamasa.

Mula sa kabataan, senior citizens, mga mag-aaral hanggang sa mismong mga kawani at opisyales ng city hall ay pumupuri sa butihing alkalde ng Antipolo.

Pati ang maybahay ni Mayor Ynares na si Madam Andrea ay kinalulugdan din ng mga taga-Antipolo dahil nakikita siyang bumababa sa mga lugar ng mahihirap para magbigay ng tulong at pag-aaruga.

Kung si Mayor Jun ay mahal ng mga taga-Antipolo, mahal din at inirerespeto ng buong lalawigan ng Rizal ang Ina ng probinsiya na si Governor Nini Ynares na nakasentro naman sa pagpapaganda ng lalawigan ang vision at pangarap.

Target ng gobernadora na maging isa sa mga dinarayong probinsiya ang Rizal in terms of tourism.

Well on the way ang pagpapaganda at paglinang ng lokal na pamahalaan ng Rizal sa bantog na Hinulugang TAKTAK.

Pati ang namumuno sa bayan ng Binangonan na si Mayor Cecilio ‘Boyet’ Ynares ay hinahangaan din dahil sa tatak Ynares na paglilingkuran niya ang mamamayan ng nasabing bayan.

Trade mark na ang good governance at exemplary service ng mga Ynares para sa taong taong bayan.

Sa ngayon, personal nating masasabi na wala pang politiko riyan sa Rizal ang puwedeng ipangtapat sa mga Ynares na bukod sa malinis na pangalan at unquestionable integrity ay tunay na henyong masasabi sa paglilingkod sa mamamayan.

Basta kaunlaran at kaayusan, Ynares ang sasambiting pangalan.

Mabuhay po kayo riyan Madam Governor Nini at Mayors Jun at Boyet!

Ang bumangga, giba!

 

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …