Friday , March 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasambahay tumalon sa 4/F patay

PATAY ang isang 53-anyos kasambahay nang tumalon mula sa ikaapat palapag ng bahay na kanyang pinagsisilbihan dahil sa matinding depresyon kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nelly Rosaroso, stay-in sa 7845 Solchuaga St., Brgy. Tejeros ng naturang lungsod.

Sa ulat ni SPO2 Jayson David, imbestigador  ng Homicide Section ng Makati City Police, nangyari ang insidente dakong 7:20 p.m. sa ikaapat na palapag ng bahay na pinagtatrabahuan ng biktima.

Ayon sa employer ng biktima na si Andy Villon, 48, nag-iinoman sila ng ilan niyang mga kaanak nang mangyari ang insidente.

Bago ang insidente, nakita umano nilang malungkot ang biktima at hindi mapakali.

Hinala ng pulisya, bunsod nang matinding depresyon kaya nagpakamatay ang biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …

Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office …

Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa …