Wednesday , September 11 2024

DENR Wildlife inutil?

00 Bulabugin jerry yap jsyWHAT the fact?!

Halos 90 porsiyento ng pinalalayang Philippine Eagle ng Philippine Eagle Center (PEC) sa kagubatan pinapatay daw ng mga walang pusong hunter.

‘Yan mismo ang ginawang kompirmasyon ng isang Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation matapos mabuyangyang sa buong bansa na ang inaalagaan nating si Pamana ay binaril sa Davao Oriental.

Natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Brgy. San Isidro sa nasabing probinsya, kung saan pinalaya noong Hunyo 12, Independence Day.

batay sa necropsy, ang 3-anyos agila ay may tama ng bala sa kanang dibdib. Nabasag din ang scapula nito.

Wala pang tukoy na suspek kung sino ang bumaril kay Pamana, na mahaharap umano sa kasong paglabag sa Wildflife Act of 2002.

Dinala na ang labi ni Pamana sa Philippine Eagle Center (PEC) sa Malagos, Davao.

At ayon nga kay Salvador, 90% ng mga pinalayang Philippine Eagle ay napapatay.

Pinaiigting na raw ang campaign at public education para sa campers upang mas mahigpit na maipatupad ang batas na nagpoprotekta sa wildlife species.

Pinalaya si Pamana sa virgin forest ng Mt. Hamihuitan, isang UNESCO Heritage Site, noong Hunyo.

Ito’y makaraan siyang dalhin sa PEC mula nang matagpuan sa Mt. Gabunan Range sa Iligan City noong 2012.

Kung ganyan pala ang  nagiging kalagayan ng mga Philippine Eagle natin, e ano palang ginagawa ng Department of Natural Resources and Environment (DENR) sa wildlife forest natin?

By the way, mayroon ba talagang nakatalagang tao ang DENR sa wildlife forest natin?

O baka naman wala dahil walang kita?!

O baka naman wala dahil nakatuon lahat sa ‘mining’ at pagbabantay sa mga dalampasigan na pwedeng ibenta sa mga pribadong indibiwal o real estate companies?!

Aba, kung hindi tayo nagkakamali, malaki ang inilalaang budget ng DENR sa mga endangered species pagkatapos magwawakas lang  sa pamamaslang ng kung sino-sinong iresponsable sa kagubatan?!

Mayroon pa ba talagang silbi ang DENR?

Pakisagot na nga Secretary Ramon Paje?!

DOH palpak pa rin!?

Ang Doctors to the Barrios Program ng Department of Health (DOH) ay masasabing isang programa na hindi  naging epektibo sa ahensiyang ito ayon kay Congresswoman Leah S. Paquiz ng ANG NARS Partylist. 

Ang kabuuang pondong inilaan ng Kongreso para sa DOH ngayong  taon ay umaabot sa P26.5 bilyon o mahigit 31.4% lang ang gagastusin sa pag-a- upgrade ng health facilities.

Samantala, maraming Barangay Health Stations  ay non-operative o non-functional dahil walang employed health workers.

Ikinakalat o Idinedeploy ang health workers tulad ng mga nurse, midwives at doktor sa mga kanayunan bilang “job orders” o “contracts of service”  ayon sa programa.

May kaukulang pondo na umaabot sa P62.73 bilyon na kinukuha mula sa Maintenance, Operating and Other Expenses (MOOE) ng nasabing Departamento.

Dapat ay itigil na ito dahil contractualization ang iskema nito na maliwanag na labag sa ating batas.

Habang ang plantilla positions ng DOH ay may 35,189 at 24,023 lamang ang pinupunuuan, pagbubunyag ni ANG NARS Rep. Paquiz.

Ang sanhi ng mga insidente ng mga pagkalason ng maraming mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa nitong taon lalo na ng mga estudyante sa mga paaralan ay kakulangan ng health workers sa bawa’t paaralan at pamayanan na siyang nagbibigay impormasyon sa bawat mamamayan.

Taliwas, sa sinasabi ni Health Secretary Janet Garin na ito ay isyu ng hygiene and sanitation standard.

Kailangan mapunuan, ang mga plantilla positions na bakante sa DOH at ipatupad ang Salary Grade 15 bilang panimulang sahod hindi lamang sa health workers kundi sa lahat ng 1.5 milyong kawani ng gobyerno, hamon ng kinatawan ng NARS Party-list  sa mga kasamang mambabatas.

Dagdag ni Paquiz, wala umanong pagkalahatang programang pangkalusugang ang matutupad kung walang mangangalaga sa kalusugan ng sambayanan.  

Korek!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *