Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Olivarez matapang na hinaharap ang isyu ng investment scam!

00 rex target logoNAGBIGAY ng official statement si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa media makaraang makaladkad sa eskandalo ang kanyang tanggapan at ang tanggapan ng nakakabatang kapatid na si Congressman Eric Olivarez sa isang investment scam.

Itinanggi ni Mayor Olivarez at Congressman Eric ang ano mang kaugnayan nila sa kaso ng isang nagngangalang Mary Angelaine Libanan Martirez ng 0012 Avecilla St., BF Resort Village, Talon, Las Piñas City.

Kasabay nito, binalaan ni Mayor Olivarez ang publiko sa ilegal na aktibidades ni Martirez na gumagamit sa pangalan at tanggapan nina Mayor at Congressman Olivarez.

Tiniyak ng magkapatid na Olivarez na pagkakalooban nila ng legal assistance ang lahat ng mga nabiktima ni Martirez at ng grupo nito.

Nito ngang araw ng Lunes, dumagsa sa tanggapan ni Mayor Olivarez ang complainants sa investment scam na kinasasangkutan niMartirez na inasistehan nang personal ni Mayor Edwin at ng mga tauhan nito.

Nangako si Olivarez na pagkakalooban ng hustisya ang mga naging biktima ni Martirez.

Hinikayat din ni Olivarez ang iba pang complainant na magsadya sa himpilan ng pulisya o sa NBI para magsampa nang pormal na rekalamo.

Ayon naman sa ating mga sources diyan sa Parañaque, bukod kay Martirez, dalawa pang barangay kagawad ng Barangay San Antonio ang isinasabit sa nasabing investment scam na umano’y nagsilbing ahente at nakakolekta nang malaking halaga mula sa mga biktima.

Kinilala ang mga kagawad na sina RUDY AVILA at MARK ARAGON.

Ayon sa ating mga sources, lubha umanong kaduda-duda kung paanong nakabili ng condo units at iba pang ari-arian ang dalawang kagawad sa kabila nang maliit na sahod nila.

Pinilit nating kunin ang panig nina Aragon at AVILA ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapakita sa barangay hall ng San Antonio ayon kay Chairman JR Delima Sanchez.

Pinupuri natin ang hakbang ni Mayor Edwin Olivarez sa pagharap sa nasabing pangyayari.

Ipinakikita lamang nito na siya ay isang tunay na ama ng lungsod.

Walang kinikilingan at handang ipatupad ang kamay ng batas sa sino man.

Marami kasi sa mga naging biktima nitong si Martirez ay mga lehitimong residente ng Parañaque.

Bagama’t sakit ng ulo at karagdagang gawain para sa kanya, hindi man lamang kinakitaan ng kahit katititing na pagkairita ang alkalde. Buong tapang na hinaharap ang intriga at problema.

Isang characteristic ng isang tunay at tapat na lider at ama ng siyudad.

Mabuhay ka Mayor Edwin!

Iba ka talaga sa lahat ng local executives! 

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …