Wednesday , November 20 2024

Cotto vs. Canelo (Ang tunay na laban ng kasaysayan)

081715 Cotto Canelo
PORMAL na inunsiyo ni Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions ang magiging bakbakan nina Miguel Cotto at Canelo Alvarez sa November 21 para sa WBC middleweight title.

Sa nasabing presscon ay hindi maiwasang pitikin ni De La Hoya ang walang katorya-toryang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.   At tinitiyak niya ang publiko na ang labang Cotto at Canelo ang tunay na magiging bahagi ng kasaysayang ng boksing.

Mangyayari ang laban ng dalawa sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas na isasahimpapawid ng HBO pay-per-view.

“I will give the fans the fight they want to see. As I have always said during my whole career, I am here to fight the best names and the best fighters. This will be another chapter in my career and I will be ready for him. Fans will enjoy a real fight, another classic battle in the Puerto Rico vs Mexico rivalry,”   pangako ni Cotto sa kanyang mga fans.

“Historically mega fights are made because the fans demand them. In this case the fans have spoken out, longing for this fight and it is my pleasure to say it is finally happening,”  pahayag naman ni Alvarez.

”All fights at this level are very important but this fight in particular has something more. It will hold a special place in history as part of the big rivalry between Mexico and Puerto Rico anf I promise all the fans that this is going to be an event that will not disappoint,”  dagdag pa ng Mexican fighter.

Si Cotto ay may ring record na 40-4, 33 knockouts.  Ang huli niyang laban ay kontra kay Daniel Geale na tinapos niya via TKO noong June 6.   Samantalang si Alvarez ay may karta namang 45-1-1, 32 knockouts at ang kanyang huling laban ay kontra naman kay James Kirkland noong May 9 na pinatulog niya sa 3rd round.

Ang nag-iisang talo ng 25-year old Alvarez ay laban kay Floyd Mayweather noong Setyembre 14, 2013 via majority decision.  Samantalang si Cotto ay may apat na talo at isa roon ay laban kay Pacquiao noong November 14, 2009 via TKO.

About hataw tabloid

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *