Modus operandi ng mga kriminal pakner in crime “foolish cop” Part-2
Abner Afuang
August 15, 2015
Opinion
Ang Modus Operandi po ng mga AKYAT-BAHAY ay walang pinipili, mapa-araw man o mapa-gabi. Ito pong mga SALOT ay umaatake (lalo na sa umaga) kapag wala na pong halos lahat ng may-ari ng bahay at nasa opisina o may kanya-kanyang pinuntahan na. Kakatok po sa pintuan na kunwari ay may dalang sulat. Kapag sigurado siyang walang tao, tatawagan niya sa telepono ang mga tropa niyang SALOT at didistrungkahin ang pintuan ng bahay ng biktima (kadalasan po may dalang bolt cutter sila).
Kwidaw kayo, lalo na sa Villages sa Metro Manila, mga bago po ang mga sasakyan na may pekeng sticker at bihis na bihis po sila. LALUS o UBOS ang lahat ng bahay na mananakawan. Makikita pa po iyan sa loob ng bahay ninyo. Kapag minamala-malas at nadatnan ang pobreng katulong, hahalayin at papatayin.
Kapag nagreklamo na po sa pulisya ang mga biktima at natagpuan pa ang tiwaling pulis, lalo na sa recovery ng item, PATAY KANG BATA KA. Ang maipapayo po lang ni AFUANG huwag po ninyong alisin ang pagtitiwala sa pulisya. Maraming pulis na MATITINO pa rin. Tandaan po ninyo, kahit saan man pong lugar may AHAS. Huwag lang po kayong PIPIKIT o KUKURAP, BUKOL po ang aabutin ninyo.
Naalala tuloy ni AFUANG NOON, ang mag-asawang kumpare’t kumare niyang kasamahan sa SAMPAGUITA PICTURES noong dating artista pa, sina Mareng Sherly Moreno at Pareng Henry Stevens na nag-resign na sa PAL bilang flight steward at stewardess na nasa Amerika na ngayon naninirahan. Nabiktima po ng AKYAT-BAHAY ang pobreng mag-asawa. Biktima ng BRUTAL at SALOT na PULIS na nangyari sa kanilang buhay at bahay sa Muntinlupa City noon. Mabait po ang mag-asawa. Nag-migrate na nga po sila sa US para lang malimutan ang kahindik-hindik at NIGHTMARE na kanilang naranasan sa mga demonyong pulis na humawak ng kanilang kaso. DEDBOL na po ang PARAK at matagal na pong lumalangoy sa PURGATORYO.
Ang next modus operandi naman pong ating tatalakayin ay may kaugnayan sa mga MAJOR CREDIT CARD. Ang inyong lingkod ay halos limang taon nanirahan sa USA. Inalam po ni AFUANG ang lahat ng Modus Operandi ng mga Filipino-American doon at ang kanilang pakikipagsabwatan sa mga SALOT na KRIMINAL at tiwaling pulis dito sa Filipinas.
Ang iba pong Pinoy na nagtatrabaho sa Uni-ted States Postal Service (USPS) sa 50 Estado sa Amerika ay wala pong ibang ginagawa kundi ang KUMUPIT ng mga bago at for renewal na major credit card na ipinadadala ng mga kompanyang gaya ng Master, Visa atbp. Ang kanilang trabaho sa USPS ay bilang mail sorter at Kargador. Ang mga involved po rito ay mga Pinoy at mga Mexicano na nagbubuhat ng mga US Bag Mail na umaabot sa 50 librang mahigit bawat isa. Ang mga bag na ito ay dumaraan sa sorting machine na naghihiwalay sa mga sulat batay sa ZIP code, na dadalhin sa iba’t ibang bansa. Alam po ng inyong lingkod ito dahil nang ma-dismiss sa pagka-pulis, nagtungo si AFUANG sa Amerika at nagtrabaho po roon bilang driver ng USPS sa Downtown, Oakland.
Ang Credit Card Pinoy Connection po rito ay pinamumunuan ng mga naturalized Filipino US Ci-tizen at US Green Card Holder. Ang isa sa kanila ay nakakulong pa hanggang ngayon sa Muntinlupa City, Bureau of Corrections at nasentensiya-han sa ibang kaso. Ang credit cna ito ay bibilhin ng Pinoy at Chicanong Mail Sorter sa halagang $50 each. Uuwi ng Filipinas ang credit card syndicate at sasalubungin sa airport ng Pinoy connection (tropa na po ito ng tiwaling pulis at tiwa-ling kawani ng Bureau of Immigration). Ikakalat na ito sa mga business establishment center sa Metro Manila. Sariwa pa po ang mga credit card, dahil Virgin o wala pang pirma.
Yaong mga sindikatong pumapalsipika ay ipa-pasa na sa mga propesyonal na SALOT sa CARTA at saka nila pipirmahan. Halimbawa, Juan dela Cruz ang pangalan, Pakakaskas po nila sa Credit Card at gagamitin ito sa mga department store o restaurant e pareho rin po ng pirma dahil sila po ang pumirma ng Juan dela Cruz, kaya’t natural na hindi magbabago ang pirma. Hirap lang po silang makalusot sa American Express card kaya hindi nila ito binibili roon.
Sa ilang mga department store o mall sa Metro Manila ay may mga empleyadong kasabwat po sila. Walang gagawin ang mga SALOT kundi ang KUMASKAS ng CARTA maghapon dahil virgin pa o hindi pa nagagamit ang credit card at hindi po pwedeng patagalin ito. Kailangan silang makabawi at kumita nang malaki, bago masunog o ma-BURN OUT o magupit ang carta nila.
Hindi po sila pumapasok sa malalaking department store at mga mall na wala silang contact. Sa grupo po namin ni Capt. Rey Jaylo noon, hindi po lulusot ito, Alam na alam na po namin ang modus operandi nila.
Ang kanilang gawain ay magbihis ng astang Doña Magdalena, at may mga kasamang naka-unipormeng katulong kuno at may mga batang dala. Ito pong mga batang ito ay propesyonal ring SALOT. Kompleto po ang mga pekeng Identification cards kaya’t bihira pong mabuko ang mga SALOT sa CREDIT CARD.
Kadalasan nga po ngayon e may puwesto na sila sa mga mall at department stores kaya hindi na sila hirap. Nagbabago ang modus ope-randi pero ‘yun pa rin ang PATTERN. Ang tawag ko po riyan ay crime cycle.
Halimbawa nga po, ang batikang kolumnista na ngayo’y patay na, na-involved sa malaking sindikatong ito. Ang tagal po bago siningil ng Panginoong Diyos. Nasisiguro ko pong nasa purgatory na siya… ha ha ha… Tarantado ka, hindi ka sana nag-iwan ng masamang lahi mo.
Ilan lamang po ito sa maraming modus operandi na nagaganap sa ating bansa ngayon. Kailan kaya tuwirang kikilos ang mga kinauukulan sa bun-yag na lihim na ito ng mga ilegal na gawain ng ilang tiwaling pulis? Huwag po naman ninyong aalisin ang PAGTITIWALA sa PULISYA. Marami pa rin naman pong MATITINO at TUNAY na kagalang-galang na mga naka-uniporme sa ating pulisya.
Right Capt. Porkque? Kahit saang propes-yon, Marami pong mga SALOT ng lipunan, including the GODS IN PADRE FAURA.
FUCK THEM ALL!
Kung mayroon po kayong alam na salot sa inyong bayan, huwag po kayong mag-atubiling tumawag sa 09179148308.
Mabuhay po tayong lahat. Pagpalain po tayo ng Panginoon Maykapal.
UGALIING manood sa Royal Cable TV Program “Kasandigan ng Bayan” Martes at Miyerkoles 9 to 12 noon. Mayor Abner Afuang with Royal Cable TV 6 Manager & Southern Tagalog Broadcast Journalist Assn. Inc., President Cris Sanji. Maraming Salamat po. Godspeed.