Sunday , December 22 2024

Pol ads idinepensa ng Palasyo

KINUWESTIYON ng Palasyo ang pagpuntirya ng Bayan Muna party-list group sa mga anunsiyo ni administration presidential bet Mar Roxas gayong hindi lang naman siya ang may political ads na.

Sinabi ni Presidential Spokesman, maraming anunsiyo na ang naglabasan at ang pagpuntirya lang ng Bayan Muna kay Roxas habang tahimik sa ibang kandidato, ay masyadong halata na may kinikilingan ang progresibong party-list group.

Ang pahayag ni Lacierda ay bilang tugon sa pagkuwestiyon ng Bayan Muna sa pinagmumulan ng pondong ginugugol sa naglabasang political ads ni Roxas.

Binigyang-diin ni Lacierda, nakasisira sa kredibilidad ng Bayan Muna ang napaka-obvious na pagpabor nila sa katunggali ni Roxas.

“Sa dami nang lumabas na mga ads diyan, ang nakita n’yo lang na ad kay Secretary Mar Roxas? Hinintay n’yo ba ‘yung ad lang ni Secretary Mar Roxas? ‘Yung mga iba hindi n’yo nakita? Hindi ba government officials din ‘yung ibang tao? Hindi ninyo tinanong ‘yung parehong tanong: what is sauce for the goose is sauce for the gander? Basic lang ‘yon. Kaya medyo may pagka-obvious ang kinikilingan ng Bayan Muna. Medyo nakasisira sa kredibilidad nila,” ani Lacierda.

Sa 20 taon aniya ni Roxas sa gobyerno ay hindi niya ginamit ang posisyon at pondo ng bayan para sa personal na kapakanan.

Sa endorsement speech ni Pangulong Benigno Aquino III kay Roxas bilang 2016 presidential bet ng Liberal party, pinuri niya ang hindi pagsawsaw ng pamilya ng kalihim sa business process outsourcing (BPO) kahit siya ang nagpasimuno nang yumabong na industriya sa Filipinas.

Matatandaan, ilang beses nang nakuwestiyon ang pananahimik ng Bayan Muna sa mga anomalyang kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay na sinuportahan nila noong 2010 elections.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *