ANG mga burol at katubigan ay may dramatikong impluwensya sa local chi.
Hinihikayat ng mga burol ang higit na vertical component na pagdaloy ng chi, malakas na horizontal flow naman sa malalawak na mga ilog (maliban sa waterfall, na naghihikayat sa chi sa pag-agos pababa).
Bunsod nito, mahalagang siyasating mabuti ang mga isyung ito kung naghahanap ng bagong bahay na lilipatan. Maaari mong makuha ang impormasyong ito mula sa detalyadong mapa, na magtuturo sa iyo sa matataas na mga lugar na maaari kang maging interesado, kasama ang ilang mga katubigan doon.
*Kung pipili ng lugar na titirhan sa maburol o mabundok na erya, mainam na piliin ang bahay na may burol sa likuran at nakaharap sa “open vista,” upang magkaroon ka ng proteksyon sa chi na kinakatawanan ng tortoise sa inyong likuran at open chi para naman sa phoenix sa inyong harapan.
*Tingnan ang mapa upang mabatid kung mayroong tubig na dumadaloy malapit sa inyong bahay. Dapat mo ring itanong sa local authorities ang hinggil sa impormasyon kung may ano mang underground waterways roon.
ni Lady Choi