Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagara asam ang world title

081115 Albert Pagara
PAGKARAAN ng impresibong panalo ni Albert Pagara via first round knockout kontra Jesus Rios ng Mexico nitong linggo sa Dubai World Trade Center, lalong tumatag ang pangarap niyang marating ang dulo ng tagumpay—ang masungkit ang world title.

Nang makapanayam ng mga mamamahayag pagkatapos ng malaking panalo ni Pagara, isiniwalat nito na ang susunod nilang target ay ang makalaban sa Amerika.

Ayon sa kanyang promoter na si Michael Aldeguer, nakatakdang lumaban si Albert sa United States sa Oktubre 17 sa StubHub Center.

“Yes, he will be there with (featherweight) Mark Magsayo. It’s time to bring Albert to the United States,” pahayag ni  Aldeguer.

Si Magsayo ay isa pang sumisikat na Pinoy boxer na may impresibong ring record na 11-0 na may 9 na knockouts.

Pagkatapos ng laban ni Pagara kay Rios ay pinagkaguluhan ng fans ang Pinoy pride at nagpahayag ito ng kasiyahan dahil alam niyang napasaya niya ang kanyang fans.

Sa tinuran niyang iyon ay inihahalintulad siya kay Manny Pacquiao ng ilang nakapanood na fans.   Ayon sa kanila, tinitiyak ni Albert na magtatapos sa knockout ang laban para mapunan ang ekspektasyon ng kanyang fans.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …