Nagpa-physical exam ang mag-asawang senior citizen at ang resulta okey naman ang kalusugan nila maliban sa pagiging makakalimutin kaya pinayuhan sila ng doctor na kung sakaling may gagawin sila o kukuning bagay ilista na lang sa papel para di nila makalimutan.
Pag-uwi sa bahay… medyo pagod at hapo sa init kaya naisipang magpakuha ng ice cream sa ref ng matandang lalaki…
Matandang lalaki: Mahal, ikuha mo nga ako ng ice cream sa ref ‘yung strawberry flavor… ilista mo sa papel baka makalimutan mo, lagyan mo ng keso sa ibabaw ha, ilista mo kasi para hindi mo makalimutan…
Matandang babae: ‘Wag mo akong gawing makakalimutin natatandaan ko lahat, ice cream na strawberry flavor lagyan ko ng keso sa ibabaw…
Pagbalik ng matandang babae may dalang plato.
Matandang babae: O ‘eto na ang paborito mong ham at itlog.
Matandang lalaki: Ano ba naman ‘yan, sabi ko na nga ba makakalimutin mo ‘e bakit walang tasty bread at juice?!