Friday , November 15 2024

Black prop vs Poe ‘di pakana ng Palasyo

ITINANGGI ng Malacañang na sila ang nasa likod ng mga propaganda laban kay Sen. Grace Poe lalo na ang isyu sa kanyang citizenship.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi nila ito magagawa kay Poe dahil inaalok nga nila ang senador na maging running mate ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

Iginiit niya na hindi sila maninira at wala silang kamay o kinalaman sa nasabing usapin.

Kahapon, nagtangkang magsampa ng reklamo ang isang Rizalito David sa Senate Electoral Tribunal para madiskwalipika si Poe sa pagkasenador dahil hindi sinasabing hindi siya Filipino.

Nauna rito, nagbanta si dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras, dating kaalyado ni FPJ, na magsasampa ng disqualification case laban kay Poe dahil sa isyu ng pagiging “foundling” ng senadora at ayon sa Saligang Batas, dapat natural-born citizen ang mga opisyal ng gobyerno.   

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *