TUMABI kami sa mesa ni Ma’am Tates Gana, ang kinikilalang first lady ng Quezon City at ina ng mga anak ni Mayor Herbert Bautista sa 15th anniversary ng Yes! Magazine sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas.
Biniro namin siya na kukukunan ng reaction ‘pag umakyat sa stage si Kris Aquino.
“Hindi siya darating,” sey niya sa amin.
Sumunod kami noong pauwi na siya para magpa-picture kami sa labas kasama si Karen Martinez nang dumating din si Ai Ai Delas Alas. ‘Bestfriend’ ang tawag niya kay Ma’am Tates.
Nagtawanan na lang ng makita sa paanan nila ang maraming Yes! Mag na si Kris ang cover. Tinutukso ang dalawa na hawakan ang magazine na cover si Kris pero hindi nila ginawa sabay tawanan.
Si Kris kasi ang YES! Magazine’s Most Beautiful Star for 2015 para sa 100 Most Beautiful Stars special issue.
TALBOG – Roldan Castro