ANG quick, reactive chi ng north-east ay ideyal para sa paghahanap ng bagong investment opportunities. Ang enerhiyang ito ay makatutulong iyong samsamin ang sandali bago makakilos ang iba.
Ang chi ng north-east ay matalim at nakatutusok, katulad ng bitter wind, na makatutulong sa iyo sa mabilis na pagtungo nang diretso sa point. Kasabay nito, kailangan mo rin ng maraming yang upang manatiling naka-focus, sigudo at alerto, bilang resulta ay makatutulong din sa iyo sa mabilis na pag-react.
*Upang malantad ang iyong sarili sa higit pang north-eastern chi, matulog na ang iyong ulo ay nakaturo sa north-east. Gayonman, hindi ito magiging epektibo kung ikaw ay mababaw lamang matulog o madalas bangungutin, sa kasong ito, subukang ipwesto ang ulo sa kanluran para sa greater financial awareness.
*Ang paglalagay ng decorative stones o rocks malapit sa iyo ay magdudulot ng maraming north-eastern energy, na may kaugnayan sa bundok. Ang brilliant white colour naman ang lalo pang pupukaw sa chi na ito. Subukang pintahan ang mga dingding at kisame ng puti, at maglagay ng maraming puting bulaklak, o puting crystal rocks sa north-east segment ng inyong bahay.
ni Lady Choi