HUMIHINGA ang chi sa pagitan ng mga sahig ng inyong bahay, at karamihan sa mga chi na ito ay dumadaloy sa mga sahig sa pamamagitan ng mga hagdanan.
Habang umaakyat at bumababa ang mga tao sa hagdanan, binubulabog nila ang chi, at nagbubuo ng natural na landas para sa pagdaloy nito. Ang hagdanan ay kadalasang daanan ng fast-moving chi at dinedetermina kung paano pumapasok at lumalabas sa bawa’t palapag.
Ang malawak at bukas na hagdangan ay naghihikayat sa chi energy para sa mabilis na pagkilos. Hinihikayat naman ng stone and polished hardwood stairs ang enerhiya sa mabilis na pagtawid sa surface, ang bare wooden stairs ay may neutral influence; at ang carpets, sea grass at rush matting ay nagpapabagal sa pagdaloy ng chi.
Habang bumibilis ang pagtakbo ng chi sa hagdanan, mahalagang ikonsidera kung ano ang sasalubungin ng fast-moving chi na ito sa kanyang pag-alis. Kung ito ay nakadirekta patungo sa iyong front door kapag nakarating na sa ibaba ng hagdanan, ito ay maaaring rumagasa palabas ng inyong bahay, kaya ang resulta ay magkukulang ang chi ang inyong bahay.
Bunsod nito, mahihirapan kang pigilan ang pera sa paglabas nito, kaya naman mahihirapan kang makapag-ipon. Ang remedyo rito ay ang pag-redirect sa ilang chi mula sa front door at ikalat ito sa iba pang bahagi ng bahay.
*Kung ang hagdangan ay patungo sa front door, bumaba sa hagdanan at dahan-dahan tumingin ng suitable location para sa isang maliit, bilog na convex mirror (maaaring sinlaki ng dalawang pares ng iyong palad). Isabit ang salamin nang nakaharap sa iyo habang pababa ng hagdanan.
*Magtanim ng madahong halaman sa pagitan ng paanan ng hagdanan at pinto upang mapabagal ang pagdaloy ng chi.
*Magsabit ng wind chime upang ito’y tumunog kapag binubuksan ang front door. Ito ang magkakalat sa chi sa buong kabahayan, at mababawasan ang panganib na ito’y dumaloy palabas ng pintuan.
ni Lady Choi