NAGING viral sa internet ang larawan ng depormadong bulaklak na daisy malapit sa Fukushima, Japan. Ngunit huwag mag-panic, ito ay hindi ‘radioactive mutants.’
Ang larawan ay kuha nitong Mayo, 70 milya mula sa Fukushima, kung saan ang 2011 earthquake at tsunami ay nagdulot nang pinakamatinding nuclear disaster, makaraan ang insidente sa Chernobyl.
Makaraan ang apat na taon, nananatili pa rin ang pangambang mag-leak ang radioactive materials na makaaapekto sa mga tao, hayop at halaman na malapit sa lugar.
Kaya hindi nakapagtataka na ang imaheng ito ng mutated-looking daisies ay naging viral at tumanggap ng maraming hysterial write-ups.
Sinabi ni Beth Krizek, biologist ng University of South Carolina, sa Huffington Post, ang nakitang pagkadepormado ay tinatawag na ‘fasciation.” Ito ay normal na nangyayari at maaaring hindi sanhi ng ‘radiation.’
“I don’t think people should freak out,” pahayag ni Krizek. “They’re not that unusual.”
“Fasciation happens when something affects the way plant cells replicate, leading to the over-proliferation of some cells. It can be caused by naturally occurring mutation, hormonal changes or environmental stresses,” paliwanag ni Krizek. (THE HUFFINGTON POST)