Monday , December 23 2024

 “Chismis” ang ugat ng bribery sa BBL

00 Kalampag percyNAYANIG ang lahat nang mapaulat na umabot sa P400-M ang ipinamudmod ng administrasyong Aquino sa mga kongresista para ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ang ikinagulat ng lahat, ang ipinansuhol umano sa mga mambabatas at multi-milyong pondo ng Liberal Party (LP) ay mula sa Chinese crime lord na si Wang Bo kapalit nang pag-release sa kanya ng Bureau of Immigration.

Nang pumutok ang isyu, todo-yabang si Mison na ang sabi, “I will reveal the truth that it was the Chinese Embassy officials who officially relayed to me that Deputy Commissioner Repizo and other Immigration officials, met with a representative of Wang and after that meeting, they pushed for the issuance of a release order.”

Pero nang iniimbestigahan ng Kongreso ang isyu at sa pagdinig kamakalawa ay nabuko na “chismis” lang pala ito at ang pinag-ugatan ng usapin ay impormasyon na sinabi kay Immigration chief Siegfried Mison ng isang tinawag niyang “friend of the Chinese Embassy.”

Ayon sa ‘polluted source’ ni Mison, isang kinatawan daw ni Wang  ay nakipagkita sa dalawang associate commissioners ng BI.

Puwes, ang pangitain na nabukulan siya ang nagtulak kay Mison na ikuwento ang unverified information sa isang mamamahayag para maeskandalo ng dalawa niyang opisyal .

Napakaimposible ng bintang na P400-M bribery para maipasa ang BBL kaya ang dapat busisiin ng Kongreso kung talagang gustong matuklasan ang katotohanan ay kung sino-sino ang contact ni Wang sa illegal pagpasok sa bansa at may working permit pa.

Maaaring mas maraming matuklasan ang Kongreso sa mga operasyon ng Chinese crime syndicates sa bansa kung ang susunod na isasalang at gigisahin sa hearing ay impormante ni Mison na “friend of the Chinese Embassy.”

“Pagkawala” ng mga dinakip na Chinese, imbestigahan

NOONG Lunes ng gabi ay may sinalakay daw ang BI na mga Chinese sa casino sa City of Dreams at Star Cruises sa Resorts World at hinanapan sila ng working permit.

May 191 Chinese umano ang hinakot ng contractual intelligence agents na pinamunuan ng isang Col. Tupas at mga bata nya.

Nakasaad daw sa mission order, 6th at 7th floor ng gusali ang sasalakayin pero lahat ng Chinese sa lobby ay dinala rin.

“General order ang ginawa bawal ‘yan,” sabi ng source.

Sa 191 Chinese na hinuli, 20 tao ang nawawala, 8 ang nakatakas sa  BI main office at 12 ang unaccounted, sabi niya.

Hindi kaya may pagka-salamangkero si Mison at sa isang kumpas niya na mala-David Copperfield ay nawawalang parang bula ang tao.

Aba’y sa takaw sa publisidad ni Mison, nagtataka lang tayo kung bakit walang taga-media na binitbit ang mga bata niya sa raid.

Kunsabagay, bakit nga naman sila magsasama ng media sa raid, e ‘di  mabubuko ang modus-operandi nila na pangingikil sa mga illegal alien na pinapapasok nila sa bansa.

Kasalanan ni Erap sa Maynila, isinisisi kay PNoy

NAGSAGAWA ng rally ang mga militanteng grupo laban sa pagsasapribado ng mga public markets sa Maynila.

Bilib sana tayo sa adbokasiya nila dahil tayo ang unang nagbulgar na pinagkakakuwartahan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang mga palengke, ospital, Manila Zoo, Lacson Underpass, Grand Boulevard Hotel, at iba pang pagmama-ari ng pamahalaang lungsod.

Pero nawala ang bilib natin sa kanila nang mabasa sa kanilang press release na si PNoy ang sinisisi nila sa pagsasapribado ng public markets, sa halip na si Erap na nagkasa ng lahat ng kontrata nito.

Maging ang press release nila hinggil sa pagkondena sa demolition sa Sarmiento St., Sta Mesa, Manila noong nakalipas na buwan ay biglang nawala sa eksena si Erap bilang pasimuno nito dahil nais gawing garahe ng G Liner bus ng kerida niyang si San Juan City Mayor Guia Gomez.

Nang mag-rally rin sila laban sa mga paniningil sa mga public hospital sa Maynila, hindi rin nila binatikos si Erap, kundi ang City Ordinance lang na basehan sa pagpapatupad nito.

Matapos ang tig-isang rally sa bawat isyu, hindi na nasusundan ito ng kilos-protesta kaya may mga nagdududa sa motibo ng nasabing mga grupo.

Bakit lumilihis kay Erap ang kanilang mga pagbatikos ngayon sa Maynila gayong sila rin ang mga nagpasimuno sa pagpapatalsik sa dating presidente sa Palasyo noong EDSA 2?

Hindi magandang ugali ang kumain nang isinuka na.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *