Sunday , December 22 2024

M/Gen. Año ipinalit kay Iriberri sa PH Army

PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Maj. Gen. Eduardo Año bilang bagong pinuno ng Philippine Army.

Si Año ang pumalit kay Lt. Gen. Hernando Iriberri na hinirang na bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff kamakailan.

Naging makulay ang military career ni Año na mula sa PMA Class ’83, dahil siya’y naging responsable sa pagkadakip sa mag-asawang communist leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon, at Maj. Generl Jovito Palparan.

Nasangkot din siya sa pagdukot at pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 2007.

Bago naging Army commanding general ay naging 10th Infantry Division chief si  Año at naging hepe rin ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Rose Novenario

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *