Saturday , November 23 2024

Isang kuwento laban sa pagmimina sa Zambales

 

NGAYONG tag-ulan, laging nangangamba ang mamamayan ng Sta Cruz, Zambales sa pangambang bumulusok sa kanilang mga tahanan ang lupa at troso mula sa kabundukang pinagmiminahan ng nickel.

Bibigyang-puwang ng ABOT-SIPAT ang kuwento ni Concerned Citizens of Sta. Cruz pre-sident Dr. Benito Molina hinggil sa pagbabago ng kanilang kapaligiran sanhi ng perhuwisyong pagmimina.

Narito ang isinulat ni Dr. Molino na pinamagatan niyang “Pangamba, hindi tuwa ang dala ng ulan:”

Ipinanganak at nagkamalay ako sa bayan ng Sta. Cruz, Zambales. Dito na rin ako tumanda. Kahit minsan ay hindi ako nakaranas nang malubhang pagbaha pero may kuwento ang tatay ko noon na may mga namatay dahil nagpilit silang tumawid sa mga umaapaw na batis dala ng malalakas na ulan. Wala pa kasing mga tulay noon.

Naikuwento at naging testigo din ako ng pagbabago ng kulay ng mga ilog at dagat kung may malalakas na ulan. Oo malabo ang tubig, kulay malabnaw na tsokolate, hindi pula, kahel o ma-lapot na tsokolate. Natutuwa ako kapag kulay ma-labnaw na tsokolate ang tubig, marami kaming nahuhuling hipon at isda sa pagtutulak ng “sa-yorsor” (tatsulok na pinong lambat na nakatali sa pinag-ekis na dalawang pirasong dulong bahagi ng kawayan) sa ilog at dagat. Kahit marami ka-ming “nagsasayorsor” marami kaming nahuhuli, hindi lang pang-ulam, may pambenta pa. Wala pang mga refrigerator noon, walang koryente, wala ring yelo kaya ang huli sa hapon o gabi ay niluluto na at ibebenta kinaumagahan, mapula na ang hipon, alimasag at alimango. Bawal itong kainin ng mga Sabadista, ang tatay ko ay Sabadista. Kahit may siyam-siyam (siyam na araw o higit pa na panay ulan at hindi mo masisilayan ang araw) noon, tatlo o apat na sunod-sunod na araw pa lang ang ulan ay palinaw na ang tubig sa ilog at dagat, pakaunti na rin ang huli namin. Pero ayos lang ‘yun, masarap naman ang tulog namin. Wala kaming takot o pangamba na baka bumaha o may mga trosong bubulusok pababa. Kahit may pagmimina na sa Sta. Cruz noon, ang Acoje Mines, hindi naman apektado ang kulay ng tubig sa ilog at malinis ang tubig sa batis ng Cabaluan. Sa batis ng Cabaluan kami naliligo at naglalaba ng mga damit. Nakahuhuli kami roon ng mga ulang at nakapapana ng mga isda. Magbubutas lang kami o magbabalon sa buhanginan sa pampang ng batis at magkakatubig na, tatanggalin ang unang daloy at kung malinaw na ay puwede ng pangluto at inumin.

Ang pagmimina ng Acoje Mines para makuha ang deposit na chromite ay parang tunnel. Bulto at malalim ang deposito ng chromite, kulay itim ito at may sarili silang kalsada na 27 kilometro ang haba bago ito dadaan sa public road papuntang Pritil. Hindi pa aspaltado ang kalsada noon kaya maalikabok kung dadaan ang mangilan-ngilang trak. At hindi kalaunan ay aspaltado na, mangilan-ilan pa rin ang mga trak kaya ginagawa na-ming palaruan ang kalsada, tumbang preso o kaya ay patintero.

Pumasok ang siglo 21 at nagsimula ang pagmimina ng nickel. Bago matapos ang unang dekada ay namula na ang tubig sa mga ilog, batis at dagat. Natabunan na rin ng laterite ang ilang mga batis at umabot na ang nickel laterite sa dagat noong 2011.

Sa pagmimina ng nickel, tinatapyas o binabalatan ang bundok kaya tinatanggal o pinuputol ang mga puno, marami ang ibinabaon para hindi makita ang mga ito. Namula na ang mga batis at ilog, abot dagat ang kulay pulang tubig at may mga naanod na troso na ikinasira ng ilang bahay, hanging bridge sa Bgys. Guisguis at Lomboy. Ang baha ay hindi na tulad dati na mabilis ang pagbaba, ito nga-yon ay paakyat na sa bundok kayat takot ang umiral sa mga tao. Ngayon, tuwing may malakas na ulan ay hawak na ng mga nanay ang rosaryo, kasama ang mga anak na nagdarasal para sa kanilang kaligtasan.

Patuloy ang pagkasira ng mga sapa, batis, ilog, dagat, sakahan, palaisdaan, kalsada, ha-ngin… nasira na ang ganda ng buong bayan, namaalam na rin ang mga yamang tubig sa mga sapa, patay na pati mga linta, nagbabaan na ang mga bayawak, usa at baboy damo… namaalam na pati tubig sa ilang sapa at batis… humina na rin ang daloy ng kontaminadong tubig irigasyon kaya namaalam na ang second cropping sa daang-daang ektaryang sakahan, namaalam na rin ang ilang ektaryang palaisdaan na natabunan ng nickel laterite… nawala na ang mga semilya ng bangus sa baybay dagat ng Bgys. Sabang, Malabago at Naulo. Mabilis ang pagbawas ng huling isda, nawala na ang mga shells, kailangan nang lampasan ng mga mangingisda ang layong 30 nautical miles para may magandang huli… kailangan nang umangkat ng mga gulay.

Nawala na rin ang Simbahang Katoliko ng Sta. Cruz na dating lumalaban kontra sa mapanirang pagmimina kapalit ng P1.5 mil-yon Bell Tower, at nagmina na rin ang pa-mahalaang bayan ng Sta. Cruz…

Ang mga minero (kompanya ng pagmimina, mga manggagawea at empleado) na ang pumalit sa mga bundok… mga minero na rin ang nasusunod sa mga barangay at munisipyo, mga minero na ang nagpapatakbo sa gobyerno ng Sta. Cruz.

Lalong natakot ang mamamayan, wala na silang magawa kung hindi ang lumaban… ipaglaban ang kanilang karapatang mabuhay sa isang ligtas na kapaligiran. Sila na lamang ang tanging pag-asa ng bayan. Kalaban na nga nila ang mga mine-ro, kalaban pa nila pati ang pamahaalaan, at wala pa silang simbahang masisilungan, Katoliko man o Iglesia ni Kristo.

ABOT-SIPAT – Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *