Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Editorial: Isa pang stupiiiiddd

NAGKALAT na nga yata ang stupid sa Filipinas. Matapos ang kamangha-manghang panukala ni Rep. Amado Bagatsing na ipihit ang monumento ni Dr. Jose Rizal at iharap ito sa Torre De Manila, ngayon naman si Rep. Winston Castelo ay may sarili ring pakulo.

Bagamat hindi ito tungkol sa monumento ni Rizal, ito naman ngayon ay may kaugnayan sa hamburger at halo-halo. Oo, hamburger at halo-halo ang inihaing resolution ni Castelo sa Kamara sa kanyang House Resolution Number 12.

Sa dinami-dami ng magagawang makabuluhan at matinong resolution, napili pa nitong si Castelo na papurihan ang isang malaking fast food chain matapos kilalanin ng isang top US chef ang hamburger at halo-halo na ibinibenta nito.

Matatandaang si Castelo rin ang may pakulo noon ng panukalang batas na ipagbawal ang planking, at ngayon naman kahit na walang kawawaan pati ang nananahimik na hamburger at halo-halo ay gustong bigyan ng recognition.

Puwede namang gumawa ng resolution na makabuluhan tulad ng pagkilala sa kabayanihan ng Filipino o kaya imbestigahan ang pagsasamantala sa mga fast food chain workers na walang labor protection, demolition ng urban poor, bakit hamburger at halo-halo pa?

Talagang tama si Napoleon Bonarparte sa kanyang sinabing “In politics, stupidity is not a handicap.” Kaya nga sa mga susunod na araw baka magulat na lang tayo at maghain itong si Castelo ng panibagong resolution na bawal sa Filipino ang huminga.

Stupiiiiddd!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …