Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Basang damit at sabon

 

00 PanaginipSeñor,

Ano po ba ang ibig sabihin ng panaginip ko na may maraming damit na basang-basa at puro sabon na dadalhin daw sa ospital para sa dating boyfriend ko na naospital daw sya tpos tinulungan ko p rin sya.

(09304827523)

To 09304827523,

Ang sabon sa panaginip ay nagsasaad na kailangang iwash-away o hugasan mo ang ilang past emotions at mga alaala. Maaari rin naman na pakiwari mo, ikaw ay emotionally dirty o guilty at tinatangka o gusto mong mahugasan ang kahihiyan sa puntong ito. Marahil, kailangan mong ikumpisal ang ilang bagay. Kapag naman nanaginip na ang isang mahalagang bagay ay naging sabon, nagsasaad ito na hindi mo iniingatan ang mga bagay na pinahahalagahan mo at ito ay nasasayang lang.

Kapag nakakita ng damit o ng dress sa panaginip, ito ay may kaugnayan sa feminine outlook o feminine perspective sa ilang sitwasyon. Nagpapakita rin ito ng iyong femininity. Kung lalaki ka at nanaginip na nakasuot ka ng damit, nagsa-suggest ito ng katanungan ukol sa iyong seksuwalidad. O kaya naman, ikaw ay nakadarama ng pagiging sexually insecure.

Ang panaginip ukol sa hospital ay simbolo ng pangangailangang mapa-unlad pa ang iyong physical o mental health. Kailangang manumbalik ka sa pang-araw-araw na daloy ng buhay. Alternatively, ito ay nagsasaad na inaaalis mo na ang kontrol sa iyong sariling katawan mismo, o ikaw ay natatakot na mawala na ang kontrol mo sa iyong sarili. Ang panaginip mo ay may kaugnayan din sa power, shelter, at love.

Kapag nakita mo ang iyong ex-boyfriend sa iyong panaginip, ito ay maaaring nagpapaalala sa iyo ng mga bagay na hindi magaganda na nangyari sa inyo noong kayo pa. Posible rin naman na kapag nagkakaroon kayo ng misunderstanding o problema ng mister o BF mo, nagkakaroon ng comparison sa isipan mo sa pagitan ng ex mo at iyong asawa—kaya lumalabas ang ex mo sa iyong panaginip. Nagpapahiwatig din ang bungang tulog mo ng kawalan o kakulangan ng pakikipagkomunikasyon. Maaari rin na nagsasabi ito na nawala ang ilang aspeto ng iyong pagkatao o pakiramdam.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …