NAKAAAPEKTO ang patterns sa atmosphere at sa espasyo at maging sa iyong pagiging malikhain. Sa punto ng pagiging malikhain, ito ay personal. Maaaring tumindi ang pagiging malikhain ng isang tao sa bright, loud patterns, habang ang more subtle, mottled effect lamang ay maaaring nais naman ng ibang tao.
Ang punto rito ay makabuo ka ng epektong iyong ninanais, at makatutulong dito ang yin at yang at ang limang elemento.
Ang prinsipyong ito ay maaaring gamitin sa ano mang bagay sa inyong bahay na mayroong pattern. Kaya maaaring baguhin ng wallpaper, curtains, cushions, upholstery at iba pang fabrics ang chi ng espasyo.
Maaari rin itong i-apply sa isinusuot na mga damit. Kapag nagsuot ka ng damit na mayroong pattern, ang pattern ay papasok sa loob ng iyong sariling chi field.
Tandaang ang large, ang plain blocks ng matitingkad na kulay ay mayroong higit na yang na dumadaloy o intricate patterns. Ang pattern naman na “ordered and repeats often” ay mayroon ding higit na yang kaysa bagay na irregular.
ni Lady Choi