NAKAHIHIYA kapag bigla tayong napautot sa pampublikong lugar. Ngunit batid n’yo bang ito ay maaaring makatulong dahil ang pag-amoy sa utot ay posibleng magpababa sa blood pressure?
Maaaring isipin n’yong ito ay kalokohan ngunit napatunayan ito ng neuroscientist.
Base sa ulat ng NBC, nagsagawa si Dr. Solomon H. Snyder ng pagsasaliksik at nabatid na ang kemikal na taglay ng utot na hydrogen sulfide ay nakapagre-relax ng blood vessels at napipigilan ang hypertension.
Si Dr. Snyder ay isa sa mga scientist sa John Hopkins University sa Baltimore, Maryland.
Ang masusing pagsasaliksik sa epekto ng pag-amoy ng utot ay isinagawa sa mga daga.
Bunsod nang inisyal na pagsasaliksik na isinagawa ni Snyder, ang ibang siyentista mula sa Nanjing, China partikular sa Southeast University, ay sinisikap nang mag-develop ng gamot gamit ang utot bilang lunas sa hypertension. (www.trendingnewsportal.com)