Monday , November 18 2024

7-M Pinoy walang toilet sa tahanan (Pwedeng may cellphone pero…)

 

060915 restroom CR

LUMITAW sa report ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) na mahigit pitong milyong Filipino ang walang toilet, o kubeta, sa kanilang mga tahanan kung kaya dumudumi na lang sila kung saan-saan.

Ang datos ay nagmula sa ‘Progress on Sanitation and Drinking Water: 2015 Update and MDG Assessment’ na inihanda ng dalawang international organization, at binanggit din dito na hindi kukulangin sa 570,000 Pinoy ang gumagamit ng ‘unsanitary facilities’ tulad ng timba, balde at maging mga open-pit latrine o hukay lang sa lupa.

Bukod pa ito, ayon sa report, sa 2.3 porsiyentong Pinoy na gumagamit ng untreated surface water mula sa mga ilog, dam at kanal para sa kanilang inumin at 6.1 milyon din na ang source o supply ng kanilang tubig ay nagmumula sa tinaguriang ‘unimproved sources’ tulad ng mga balon at bukal sa lupa.

Naging reaksiyon sa datos ukol sa basic access sa tubig na inumin at sanitasyon, binatikos ng ilang sektor ang pamahalaang Aquino na dapat umano’y ibinilang ang pagbibigay ng malinis na tubig sa mamamayan bilang bahagi ng national budget para sa taon 2016.

“Ito ay dapat na naging bahagi ng 2016 budget,” anila, lalo sa puntong hihigit ang pondo ng gobyerno sa susunod na taon sa P3 trilyon.

“Habang ang Filipinas ay umunlad sa aspeto ng pagbibigay sa publiko ng malinis na tubig at sanitasyon simula pa 1990, makikita rin na marami pang dapat gawin upang ang bawat Filipino ay magkaroon ng access sa da-lawang mahahalagang bagay na ito,” dagdag nila.

Simula ng 1990, nabigyan ng tubig ang halos 40 milyong tao at 41 milyon naman ang nagkaroon ng access sa malinis na kubeta si-mula nang taon ding iyon.

Bunsod nito, binigyang-antas ng WHO at UNICEF ang Filipinas na nakamit ang target na Millennium Development Goals kaugnay sa malinis na tubig.

Ngunit ukol naman sa pasilidad ng sanitasyon, dahil na rin marahil na mara-ming pamilya ang dumudumi sa mga open-pit latrine o open defacation, nakamit ng Filipinas ang antas na ‘good progress’ lamang.

Batay sa report, ang larawan ng open defecation ay “kapag ang human feces, o dumi ng tao, ay itinatapon sa basurahan, kagubatan, halamanan, mga katawan ng tubig o alin mang bukas na mga lugar.”

Kung ihahambing din, hinigitan ng pag-aari ng cell phone ang bilang ng mga kubeta sa bawat pamilya.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *