MASUWERTE si Jolina Magdangal dahil sunod-sunod ang project niya sa ABS-CBN. After Flordeliza, may Your Face Sounds Familiar siya at ngayon, kasama siya sa bagong teleserye ng Dreamscape, ang Written In Our Stars.
First time ni Jolina na makasama sa teleserye sina Toni Gonzaga, Sam Milby, at Piolo Pascual.
Madalas na sinasabi ngayon na wala raw FOREVER pero patutunayan sa teleseryeng ito na mayroon talagang forever na kahit sa kabilang buhay ay kayo pa rin.
Ang sabi ni Jolina, ang sarap daw ng feeling na makakasama ang mga “gwapo” sa isang teleserye, lalo raw siyang nai-inspire na magtrabaho.
Kinantyawan tuloy siya ni Piolo by saying, “bakit, hindi ba gwapo si Marvin?”
Samantala, inamin ni Toni na bata pa siya ay napapanood na niya si
Jolina. In fact, inaabangan daw talaga niya si Jolina sa Ang TV lalo sa kanyang portion na Payong Kaibigan.
Pagdating sa pagpapatawa, isa si Jolina sa naging idol ni Toni. (
ni TIMMY BASIL