THE case of Polo Ravales—who had a bad fall na ikinapinsala ng kanyang lower back at kailangang maoperahan agad—is another wake-up call sa mga artista.
Kinailangang kabitan ng titatium ang aktor sa napuruhang bahagi ng kanyang likod, at base sa kanyang mga post sa Facebook prior to the surgery, ”It costs a lot.”
Problemado si Polo dahil malaki nga namang halaga ang kailangan para mairaos ang operasyon, hence, nana-nawagan siya ng tulong pinansiyal.
Presently, walang regular show si Polo. He has ventured in co-producing an indie film (also starring in it), pero alam naman nating hindi maaaring gawing bread and butter ang paggawa ng mga ganoong klase ng pelikula as they don’t pay well.
Kamakailan, sinubukan umanong lumipat sa ABS-CBN si Polo pero ang dinig namin ay malabo siyang mabigyan ng trabaho roon.
Now at 33, mukhang hindi nakapag-ipon si Polo sa kabila ng malakas niyang pagkita noon ng pera. Nakalulungkot na ang mga tulad ni Polo have not saved enough sa panahon ng pangangailangan.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III