Monday , January 6 2025

Panaginip mo, Interpret ko: Sumuka nang sumuka

 

00 PanaginipGud pm Señor H,

Musta po kyo Sir, nag-text ako dahil sa dream ko na ukol sa pinto d ko raw ito mabuksan, then sumuka nang sumuka ako nang marami, sana po matulungan nyo akong intindihin ito. Maraming salamat po. I’m Yollie, wag nio na po lalagay cp ko…

To Yollie,

Ang pinto sa panaginip ay may kaugnayan sa mga bagong oportunidad na maaaring dumating sa iyo. Ito ay posibleng nagsasabi, lalo na kung papasok ka sa pinto, na ikaw ay nasa bagong stage ng iyong buhay at umaangat ka sa isang level ng consciousness. Kapag bukas naman ang pinto, ito ay nagsasaad ng receptiveness at willingness upang tanggapin ang mga bagong idea. Kung may nakitang liwanag sa likod ng pinto, nagsasabi ito ng pagtungo sa mas maliwanag na kamalayan at ispiritwalidad. Kung sarado naman ang pinto, may kaugnayan ito sa mga pagkakataon na na-deny sa iyo o na-miss mo dahil mayroong bagay o tao na hinaharang ang iyong pag-unlad. Kaya dapat kang maging alisto at mag-ingat sa ganitong klase ng mga tao.

Ang panaginip mo naman na suka ka ng suka ay nagsasabi na kailangang mong i-reject o i-discard ang ilang aspeto ng iyong buhay na nakakainis o hindi maganda. Mayroong ilang emotions o concepts na dapat mong harapin at pakawalan para mag-move-on ka na. Kapag nakakita naman ng ibang tao na sumusuka, nagsasaad ito ng false pretenses ng ibang tao na gusto ka lang pagsamantalahan o gulangan.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *