Tinanggalan ng titulong napanalunan niya kay Manny Pacquiao sa kanilang laban na binansagang ‘Battle for Glory’ sa MGM Grand sa Las Vegas si Floyd Mayweather Jr., dahil sa pagkabigong suumunod sa mga alituntunin, ayon sa World Boxing Organization (WBO).
Hindi nagawang bayaran ni Mayweather sa tamang panahon, o deadline, ang itinakdang US$200,000 (£128,264) sanctioning fee mula sa nasa-bing world welterweight title bout kontra sa Pambansang Kamao at bakantehin din ang junior middleweight bilang kampeon, sinabi ng WBO sa opisyal na pahayag nito.
Ipinaliwanag ng WBO na labag sa alituntunin nito na hawakan ng tinaguriang Amerikanong pound-for-pound king ng daigdig ang mga world title sa multiple weight classes kaya kinakailangang piliin kung aling weight division ang kanyang aangkinin.
Binigyan si Mayweather, na nagtapos sa record na 48-0 win-loss card matapos talunin si Pacman sa tatlong scorecard sa naitalang top-grossing prize fight of all-time sa MGM Grand Garden Arena, hanggang 4:30 ng hapon nitong nakaraang Bi-yernes para abisohan ang WBO sa kanyang posisyon sa usapin.
“Nawalan ang WBO World Championship Committee ng anumang alterna-tibo kundi itigil na kilalanin si Mr. Floyd Mayweather, Jr., bilang WBO Welterweight Champion of the World kaya kailangan ni-yang bakantehin ang kanyang ti-tulo, dahil sa kabiguang sumunod sa aming WBO Regulations para sa World Championship Contest,” dagdag ng WBO sa kanilang opisyal na pahayag.
May dalawang linggo naman si Mayweather, na kumita ng mahigit US$200 milyon mula sa mega-fight niya kay Pacquiao sa sina-sabing record pay-per-view revenue sa Estados Unidos na umabot sa US$400 mil-yon, para maghain ng kanyang apila.
ni Tracy Cabrera