ANG isa pang daan sa pagpasok at paglabas ng enerhiya sa inyong bahay ay sa pamamagitan ng mga bintana. Sa pag-upo malapit sa mga bintana, nagiging bahagi ka ng nasabing pagdaloy.
Ideyal na ang harap ng iyong katawan ay nakaharap sa bintana, upangx ang parating na chi ay mag-i-interact sa phoenix side ng iyong chi field.
Ang layunin dito ay ang makinabang mula sa expansive outside chi, upang mas maramdaman mo ang pagiging malikhain.
Maaari mong i-adjust ang paraan ng pagdaloy ng enerhiya patungo sa inyong bahay sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng window treatment.
*Mag-eksperimento sa iyong pag-upo upang ikaw ay makaharap sa bintana. Mahalagang ang napili mong bintana ay mayroong magandang tanawin. Sikaping ayusin ang iyong posisyon upang ikaw ay makaharap sa helpful direction.
* Panatiling malinis ang mga bintana at walang kalat upang malayang makadaloy ang chi energy. Kung nais mong bawasan ang enerhiyang dumadaloy sa mga bintana upang maging tahimik at ma-relax, maaari mo itong isara nang bahagya. Ngunit maaari mong isagad ang pagkakabukas ng bintana upang makapasok ang higit na liwanag kung nais mong ikaw ay higit na maging aktibo.
ni Lady Choi