AS we go to press, opisyal nang mawawala sa ere ang Sunday All Stars (SAS) ng GMA (o baka nga sa paglabas ng kolum na ito’y wala na ito sa himpapawid).
Nanghihinayang kami sa naging fate o kapalaran ng SAS if only for the fact na maituturing itong flagship program ng estasyon na sino-showcase nito ang talent—singing, acting and hosting—ng mga kontratadong Kapuso star.
Nagsisilbi rin kasi itong avenue ng mga GMA talent sa pagpo-promote ng kanilang mga upcoming show in a way na hindi hardsell ang paraan ng promotion.
Isa ngang staff ng SAS ang iiling-iling na nagsabi, ”Kung kailan naman natatalo na namin ang katapat naming show,” ay at saka naman daw nagdesisyon ang pamunuan ng network na kanselahin na ito.
With SAS’s bowing out of air, isang APT Entertainment-produced show ang papalit dito. APT is owned by Mr. Tony Tuviera na nagpoprodyus din ng mga pelikula.
Bagamat tiyak din namang magiging maganda ang ipapalit sa SAS, we can only sympathize sa mga staff nito na mawawalan ng trabaho, and we can just imagine kung gaano sila karami. Isama na ang mga dancer.
On the side of the artistas na mawawalan ng exposure, ilan lang ba sa kanila ang may higit sa isang show na pinagkukunan ng regular na kinikita? The rest will be rendered jobless.
Nakalulungkot man, but that’s a reality. May show ka ngayon, pero sabi nga, ”Tomorrow is never promised.”
Pramis.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III