LUMIPAD na patungo sa kasaysayan ang solar-powered, single-pilot airplane (at renewable energy), tinapos ang 4,000-mile journey mula Japan patungo sa Hawaii nang walang tigil at walang fossil fuel.
Ang eroplano ay lumapag nitong Hulyo 3 ng umaga sa Kalaeloa Airport sa isla ng Oahu.
Ang biyahe mula Japan patungo sa Hawaii ang ‘longest leg’ ng paglipad ng Solar Impulse 2’s sa palibot ng mundo.
Ang eroplano ay lumipad mula Japan nitong Linggo ng hapon, Hunyo 28, makaraan matiyak na maayos ang kalagayan ng panahon para sa ligtas na paglipad.
Una nang tinangka ng crew na lumipad patungo sa Hawaii nitong Mayo, ngunit agad bumalik dahil sa mapanganib na panahon.
Ang aircraft ay may maximum speed ng 90 mph at ang tanging average ay tinatayang 40 mph habang lumilipad, ibig sabihin, ang biyahe ay aabot ng 117 hours at 52 seconds – o halos limang araw. Ang piloto sa leg na ito ng paglipad ay si André Borschberg. (THE HUFFINTON POST)