KUNG hindi naman kailangang palagi kang nasa loob, maaari kang maghanap ng magandang lugar sa countryside para sa inspiring places.
Ang mga punong-kahoy ay nagbibigay ng more upward chi at maaaring makatulong para sa higit pang inspirasyon.
Ang mga ilog ay nagdudulot ng more horizontal chi, na makatutulong sa iyo na maging inspirado sa mga bagay na malapit sa iyo.
Ideyal ang mga bundok kung nais mong makakuha ng maraming chi mula sa cosmos, ito’y magdudulot ng “one flash” ng inspirasyon at magandang ideya.
Kapag nakakita ka na ng tugmang espasyo, tandaan ang mga prinsipyo ng limang hayop upang makuha ang pinakamainam na pwesto ng pag-upo.
Kung kailangan mong bumuo ng “special mood,” maiisip mong kailangan mong lumabas at pumasok sa ibang gusali.
Sa lugar na ito, ang malalawak na espasyo, hard surfaces at minimal furniture ay makatutulong para sa pag-expand ng iyong chi field upang makaisip ka nang mas malaking isyu.
ni Lady Choi