Aries (April 18-May 13) Ang mensahe ng mga tao ay malabo nitong nakaraan. Huwag magbibigay ng opinyon hangga’t hindi mo ito nauunawaan.
Taurus (May 13-June 21) Huwag tatanggapin ang mga bagay sa face value ngayon. Minsan kailangan mong maghanap ng dagdag pang ebidensya.
Gemini (June 21-July 20) Gusto mo kung ano ang iyong gusto. Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag kung bakit ang mga ito ang iyong napipili.
Cancer (July 20-Aug. 10) Nagpapakita ang iyong budget ng senyales ng pinsala. Ayusin mo ito.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang mahihirap na hangarin ang higit na mahalagang kamtin. Huwag munang susuko.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Walang sino mang nakapagsagawa nang perpekto sa unang beses pa lamang. Try, try, again.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kailangan mong kumilos pa nang higit sa pangangarap upang matamo ang iyong mga hangarin.
Scorpio (Nov. 23-29) Mataas ang bundok, ngunit kapag naakyat mo ito, makikita mo ang buong mundo.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Huwag nang hintayin ang ibang ikaw ay libangin. Maki-party ka.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Sa mga araw na ito, ang iyong pananaw ay hindi kasing reliable ng iyong intuition. Huwag magtitiwala sa iyong mga mata.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Mayroong lubak sa iyong landas. Huwag mag-alala kung paminsan-minsan ay malulubak ka sa mga kalsada.
Pisces (March 11-April 18) Hindi mo kailangang malaman ang iyong destinasyon. Tandaan na lamang ang ruta habang naglalakbay.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Medyo hindi malinaw ang iyong pag-iisip ngayon, ngunit hindi ‘yan ibig sabihin na wala kang magagawang seryoso ngayon.
ni Lady Dee