ISANG mayamang matandang lalaki na malapit nang mamatay ang mahigpit na nagbilin sa kanyang asawa…
MMLMM (Ma-yamang matandang lalaki na ma-lapit nang mamatay): Tandaan mo ang bilin ko sa iyo, kapag ako ay namatay, lahat ng pera ko ay ilalagay mo sa loob ng kabaong ko.
ASAWA: Oo gagawin ko, huwag kang mag-alala, ako ay isang mabuting Kristiyano, hindi kita lolokohin.
(Sa madaling sabi, namatay ang mayamang matandang lalaki at sa kanyang libing, naroon ang kanyang asawa, nakasuot ng itim na damit, katabi ang kanilang kaibigan.)
Natapos na ang seremonya at nakatakda nang isara ang kabaong para ibaba ito sa hukay nang sabihin ng biyuda na…
ASAWA: Hintay… (Isang kahon ng sapatos ang inilagay niya sa loob ng kabaong ng asawa).
KAIBIGAN: Doon ba nakalagay ang pera niya? Talaga bang inilagay mo lahat?
ASAWA: Yes, sinabi kong ako’y isang mabuting Kristiyano kaya sinunod ko ang kanyang huling habilin.
KAIBIGAN: Lahat ng pera niya, nagkasya sa kahon ng sapatos?
ASAWA: Idineposito ko sa aking personal account ang lahat ng pera niya, saka ko isinulat sa tseke at ‘yun ang inilagay ko sa kahon ng sapatos.