Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruben Soriquez, waging Best Actor para sa Of Sinners and Saints

 

070115 Direk Ruben Of Sinners and Saints

00 Alam mo na NonieSOBRANG nagpapasalamat ang Filipino-Italian aktor-direktor na si Ruben Maria Soriquez sa pagkakapanalo niya ng Best Actor sa 2015 World Premieres Film Festival-Philippines na ginanap sa SM Mall of Asia Centerstage last June 28.

Napanalunan niya ito sa pelikulang pinagbidahan at pinamahalaan niya, ang Of Sinners and Saints na tinatampukan din nina Chanel Latorre, Polo Ravales, Raymond Ba-gatsing, Richard Quan, at iba pa.

“I didn’t expect it since this is my first acting role for a main film. Im so honored for this award, I wasn’t expecting it, a great surprise to me,” saad ni Direk Ruben.

Binigyan din niya ng papuri ang mga kasamahan sa pelikulang ito.

“She’s good and I’m happy that I chose her for the role,” saad niya kay Chanel.

Pati sina Polo at Raymond ay sinaluduhan din niya sa ga-ling dito bilang mga actor.

Ayon pa kay Direk Ruben, plano niyang ipalabas sa Italy ang pelikula nilang ito.

Nang usisain pa namin siya kung ano ang next movie niya, sinabi ni Direk Ruben na kailangan muna nilang mag-raise ng funds.

Pero gusto raw niyang maidirek sa susunod na pelikula niya sina Dennis Trillo, Lovie Poe, at Alvin Anson.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …