Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Erich, magtatambal sa “Be My Lady”

 

042515 erich gonzales daniel matsunaga

00 SHOWBIZ ms mLUCKY charm talaga ni Daniel Matsunaga si Erich Gonzales. Sunod-sunod kasi ang blessings na dumarating sa actor at ang pinaka-latest ay ang pagsasamahang teleserye ng dalawa, ang Be My Lady.

Ayon sa HotSpot ng ABS-CBN.com bibigyang buhay ng dalawa ang love story ng isang foreigner at isang Pinay at magpapakita kung ano ang pinagdaraanan ng isang interracial relationship.

Ani Erich sa isang panayam, “Nakae-excite ‘yung ‘Be My Lady’ kasi romantic comedy siya tapos ‘yung kuwento niya ay light at happy lang. First team-up din namin ‘to ni Daniel in our own teleserye kaya sana abangan at suportahan nila ang project naming ito.”

Sinabi naman ni Daniel na matagal niyang hinintay ang big break na ito.

“Sobrang saya talaga ako dahil kasama ko pa si Erich. Ito ‘yung unang project ko na ako talaga ang leading man kaya I am really thankful sa bosses sa pagbibigay ng opportunity sa akin,” sambit naman ni Daniel.

Malapit nang mapanood ang Be My Lady sa ABS-CBN.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …