Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Namimingwit sa ilog

 

00 PanaginipHi sir Señor H,

Gsto q po sana malaman ang ibg sabhn ng pnginip q..Lgi q po kc napapanagnipan n namimingwit aq sa ilog at nkakabingwit nmn daw aq plgi…Kc marami isda sa ilog at malalaki pa..ano kya ibg savhin nun kc paulit ulit lng s panaginip q…

Fr: Lady Taurus (09488807106)

To Lady Taurus,

Kapag nanaginip na nanghuhuli ng isda, ito’y posibleng may kaugnayan sa paglabas ng isa o ilang bagay na nasa ilalim dati o ng mga bagay na inililihim. Kung nanaginip naman na kumakain ng isda, ito’y simbolo ng iyong beliefs, spirituality, luck, energy at nourishment. Ito ay sagisag ng pagkain para sa kaluluwa. Kapag nanaginip ka naman na niluluto mo ang isda, ibig sabihin ay isinasama mo ang bagong katuparan na inaasam para sa iyong ispiritwal na damdamin at kaalaman. Naghahangad ka ng katuparan ng mga mithiin o pangarap, subalit dapat na magsikap mabuti at dagdagdan ang tiwala sa sariling abilidad o kakayahan. Kailangan din na huwag maging padalos-dalos sa mga gagawing desisyon, lalo na iyong napaka-importanteng mga bagay.

Ang isda ay may kaugnayan sa insights mula sa iyong unconscious mind. Kaya ito ay nagpapahiwatig ng insights na lumutang o nabunyag. Alternatively, maaari rin namang may kaugnayan ito sa pagbubuntis. May ilang mga kababaihan na nananaginip ng isda kapag sila ay buntis o naglilihi. Ang isda ay isang ancient symbol din ng Christianity at Christian beliefs. Dahil ikaw ay lalaki, posibleng may kinalaman ito sa pagbubuntis ng kasintahan, asawa o malapit na kamag-anak o kaibigan na mayroon kang totoong concern o mayroon kang direktang kaugnayan o kaya naman ay may direktang epekto ito sa iyo. Maaari rin namang ito ay isang paalala sa iyo ukol sa isang sitwasyon na hindi maganda na dapat mong paghandaan at harapin. Nagsasaad din ito ng pang-unawa at pagiging malinaw ng ilang bagay. Ito ay maaari rin na nangangahulugan na lumalayo ka sa isang tao na ayaw mong maging malapit sa iyo

Kapag nakakita ka ng malinaw at payapang ilog sa iyong bungang-tulog, ito ay nagpapahayag na pinapayagan mo ang iyong sariling buhay na magpalutang-lutang lang o kaya, ikaw ay nagpapatangay na lang sa agos ng iyong kapalaran o ‘yung tinatawag nilang you are just going with the flow. Ito ay nagsasaad din na panahon na upang ikaw ang magdesisyon at magpatakbo sa sarili mong buhay. Alternatively, ang ilog ay sagisag din ng joyful pleasures, peace, at prosperity. Kung malakas naman ang nakitang agos ng ilog sa iyong panaginip, nagpapakita na wala kang kontrol talaga sa buhay mo. Kung maputik ang ilog, ito ay may kaugnayan sa kaguluhan, kahirapan, at paninibugho. Kung ikaw naman ay naliligo sa ilog, ito ay nagre-represent ng purification at cleansing.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …