SA pangkalahatan, pinababagal ng soft furnishing ang chi, kaya naman ang buong espasyo ay mararamdamang softer, more cosy and comfortable.
At nakadepende sa hugis ng iyong upuan kung ano ang iyong magiging posture sa mga ito.
Kung gaano kalapit sa sahig, ganito rin katindi ang koneksyon mo sa chi of the earth.
Makatutulong ang soil chi upang maramdaman mong ikaw ay secure and stable, kaya sa pag-upo sa big cushion o beanbag ay naging mas malapit ka rito.
Idagdag pa rito, kung gaano ka ka-upright sa pag-upo, ganoon din ka-vertical at ka-yang ang daloy ng iyong chi; kung gaano ka kalapit sa sahig sa pag-upo, ganoon din karami ang yin at ganoon ka rin mare-relax.
Sa pangkahalatan, sikaping maglagay ng iba’t ibang upuan sa loob ng kwarto upang magkaroon ka ng opsyon sa pag-adopt ng iba’t ibang posture nang naaayon sa iyong moods.
Bawa’t posture ay nagpapabago sa hugis ng iyong outer chi field, nakatutulong upang mapabuti ang iyong pakiramdam at pag-iisip.
ni Lady Choi