I’m oneal from Ireland now…(flash torch) fb name. Gusto ko pong malaman sana ang aking panaginip. 1.nahuli po ang pamangkin kong lalake at may kasama sya kapatid ko yata yun? Nag sha-shabu.at itinago ko daw pong bigla ang shabu para di makita.ano ibig sabihin non? 2.yung mga whisky pong alak sa bote tig kakalahati at ipinakita at inaalok ko daw sa mga kaibigan ko…pati po yung mga kending tic-tac may drugs din po ipinakain ko daw sa kanila. 3.may lalaki daw po na gusto ko at niyakap yakap ako at ipinagmalaki ng lalake na niyayakap at isinayaw ako.
Maari n’yo po bang maipaliwanag sa akin ang aking mga panaginip? Maraming maraming salamat po at umaasa po ako na matugunan ninyo ang aking paki-usap. More powers and GOD BLESS YOU #teamHATAWtabloid
To Oneal,
Kapag nanaginip na nagda-drugs o nagtatago ng drugs, ito ay nagsasabi na kailangan ng ‘quick fix’ o ng pagtakas sa reyalidad. Maaaring senyales din ito ng paglipat sa potentially harmful alternative bilang mabilisang lunas sa problema. Kailangang tanungin ang sarili kung bakit kailangan ng drugs na ito at kung ano ang kabutihang maidudulot nito, kung mayroon man. Kung sa panaginip naman ay may nakita kang gumagamit ng droga, nagsasaad ito na ang iba ay hindi nakikita ang iyong perspektibo o pananaw. Alternatively, ito ay maaaring nagpapahayag na pakiramdam mo ay helpless ka sa ilang sitwasyon at hindi mo alam kung paano mo hahawakan o haharapin ito. Kapag naman nanaginip na may nag-drug overdose, nagsasabi ito na hindi mo alam ang iyong limit. Maaaring pinipilit mo ang iyong sarili sa ilang sitwasyon. Posibleng nagsasabi rin ito ng self-destructive path, kaya dapat na magkaroon ng significant changes.
Kapag nanaginip na umiinom ng alcohol o ng alak, ito ay nagsasaad na naghahanap ka ng pleasure o ng pagtakas sa mga suliranin o isyu na ayaw mong harapin. Kung wine ang iyong iniinom, ito ay simbolo ng divine power.
Ang panaginip ng pagyayakapan ay nagpapahayag ng pangangailangan ng more affection o kaya naman, kailangan mong magpakita ng dagdag na pagmamahal.
Kapag nanaginip naman na ikaw ay sumasayaw, ito ay may kaugnayan sa kalayaan sa anumang constraints at restrictions. Ang iyong buhay ay balanse at may harmony o kapayapaan. Ang pagsasayaw ay nagre-represent din ng frivolity, happiness, gracefulness, sensuality at sexual desires. Kailangang isama ang mga qualities na ito sa estadong ikaw ay gising. Kung sumasayaw na may kapareha, ito ay may kaugnayan sa intimacy at ang union ng aspetong masculine at feminine ng iyong sarili. Kung ikaw ang nagdadala sa sayaw, nagsasaad ito na ikaw ang may kontrol sa iyong personal na buhay.Maaari rin namang nagsasabi ito na masyado kang aggressive at assertive. Kapag nakakita ng ritual dance sa panaginip, may kaugnayan sa pangangailangang makipag-ugnayan sa spirit within.
Señor H.