Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coach Lim nais parusahan ng Alaska

 

062915 Frankie Lim  Calvin Abueva

NAIS ng kampo ng Alaska Milk na muling pag-aralan ni PBA Commissioner Chito Salud ang insidenteng kinasangkutan ng kanilang manlalarong si Calvin Abueva at ang coach ng Barangay Ginebra San Miguel na si Frankie Lim sa laro ng Aces at Kings sa quarterfinals ng Governors’ Cup noong Biyernes ng gabi.

Sa insidenteng iyon ay nagkatulakan sina Abueva at Lim sa ikatlong quarter at pareho silang nabigyan ng technical foul.

Nanalo ang Alaska, 114-108, upang umabante sa semifinals at tuluyang sibakin ang Ginebra.

“Normally, our coaching staff usually views the previous game. We’ll try to see something and if we do, we’re going to send it to the PBA Commissioner’s Office for review,” wika ni Alaska board governor Richard Bachmann sa panayam ngwww.interaksyon.com/aktv.

Matagal na ang sigalot nina Abueva at Lim mula pa noong nasa NCAA sila dahil dating manlalaro ng San Sebastian si Abueva at si Lim naman ay dating coach ng San Beda.

“I don’t get into that, you guys know me,” ani Alaska coach Alex Compton. “I don’t get to things like that and encourage that stuff. Obviously, it’s a highly-charged playoff and environment. These guys are physically grown men who put their hearts on the line. Something happened and guys got into it. I’m sure the PBA will handle it in the best interest of the league and try to be fair to everyone.”

Samantala, sinabi ng import ng Ginebra na si Orlando Johnson na hindi naman siya takot kay Abueva na kilala bilang isang pisikal na manlalaro.

”C’mon, I’m not worried about him,” ayon kay Johnson. “I’ve been playing this game way too long to be worried by some guy trying to take me off my game.”

Idinagdag ni Johnson na balak siyang sumabak sa mga summer leagues ng NBA ngayong tanggal na ang Ginebra sa kontensiyon.

“That’s where my mind’s at now, looking forward to get back in the NBA,” dagdag ni Johnson na dating manlalaro ng Indian Pacers. “I’m an NBA-caliber player and I’m going to show them when I get there.” (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …