Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seguridad sa D League finals hihigpitan

 

020415 PBA D League

SINIGURADO ng PBA na magiging mahigpit ang seguridad para sa huling laro sa best-of-three finals ng Foundation Cup mamayang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig na paglalabanan ng Hapee Toothpaste at Cafe France.

Sinabi ng isang opisyal ng PBA na maraming mga pulis-Pasig ang magbabantay sa loob ng venue para sa inaasahang magiging mahigpitang laro ng Fresh Fighters at Bakers.

Sa Game 2 ng serye noong Lunes ay nagkainitan at nagkatulakan sina Hapee team manager Bernard Yang at Cafe France assistant coach Jun Tiongco sa huling dalawang minuto ng laro.

Pareho silang pinatalsik sa court at nanalo ang Bakers, 76-70, upang maipuwersa ang do-or-die na laro ngayon.

Libre ang pasok ng mga tao sa Ynares para sa larong magsisimula sa alas-tres ng hapon at mapapanood kinagabihan sa IBC 13.

Ito ang unang beses sa kasaysayan ng PBA D League na umabot sa Game 3 ang best-of-three finals mula noong magsimula ang liga noong 2011 bilang kapalit sa nabuwag na Philippine Basketball League.

ni James

Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …