Vkit kea ako nngnp ng lindol, tas dw ay bigla naman bumagyo, sobra lakas dw ng ulan, wait ko i2 s Hataw, dnt post my cp salamt, Esther ng Muntinlupa
To Esther,
Ang lindol sa iyong panaginip ay maaaring may kaugnayan sa major ‘shake-up’ na nagsasaad ng peligro sa iyong stability at foundation. Maaaring nagha-highlight din ito sa iyong insecurity, fears and sense of helplessness. Ayon din sa Bibliya, ang lindol sa panaginip ay simbolo ng galit at kapangyarihan ng Diyos. Ito ay posibleng nagpapakita rin ng pag-aala at agam-agam sa pagdating ng mga ganitong kalamidad. Subalit imbes na matakot o mangamba, dapat na maging handa at maging positibo sa pagdating ng mga ganitong bagay at pagsubok sa buhay.
Ang bagyo naman ay may kaugnayan sa overwhelming struggle, shock, loss o catastrophe sa iyong buhay sa estadong ikaw ay gising. Ito ay nagre-represent din ng unexpressed fears o emotions, tulad ng anger, rage, turmoil, at iba pa. Sa positibong anggulo naman, ang bagyo ay simbolo ng rising spirituality. Maaaring senyales din ito ng mabilis na pagbabago sa hinaharap.
Sa isang banda, maaari rin namang ang panaginip mo ay bunga lamang ng mga balitang naglalabasan lately ukol sa pagdating ng malakas na lindol sa ating bansa at dahil tag-ulan na rin ngayon, kaya nakintal ito sa iyong isipan. Makabubuting maging handa tayo sa mga ganitong kalamidad, mag-ingat, at magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos.
Señor H.