Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nuclear missiles pinaliit ng North Korea

 

062615 korea nuclear missile

BATAY sa latest report sa North Korea, ini-hayag na nagawa na ng bansang komunista na paliitin ang iba’t ibang uri ng nuclear weapons, kasabay din ng pagtanggi sa pagdalaw sa nasabing bansa ni UN Secretary General Ban Ki-moon.

Kung tunay nga ang ipinagmamala-king arms advance ng NoKor, nangangahulugang makakaya na niyang maglagay ng mga nuclear warheads sa dulo ng kanilang mga ballistic weapon.

“Matagal na panahon nang mini-mi-niaturize at idina-diversify ang paraan namin para makapaglunsad ng nuclear strike,” pahayag ng NoKor National Defense Commission (NDC) sa Pyongyang.

“Narating na namin ang stage na ang highest accuracy rate ay garantisadong hindi lamang para sa mga short at medium-range missile kundi para na rin sa mga long-range missile. Hindi namin itinatago ito.”

Ang pahayag ay kasunod ng paglunsad nila ng isang ballistic missile mula sa submarino, na kayang umabot sa labas ng Korean peninsula.

Nakuhaan ng larawan ang Supreme Leader ng NoKor na si Kim Jong-Un na nakangiti at itinuturo ang isang missile na lumitaw mula sa mga alon—gayon man, may ilang mga analyst na naniniwalang ang mga imahe ay maaaring minanipula lamang.

Ikinansela ni Ginoong Kim ang pagdalaw ng UN chief matapos akusahan ng panggagatong sa umiinit na tensiyon sa rehiyon.

“Walang ibinigay na paliwanag para sa last-minute na pagbabago,” punto ng dating South Korea foreign minister sa news conference sa Seoul. “Nakalulungkot at nakapanghihinayang ang biglaang desisyon ng Pyongyang.”

Kung natuloy ang pagdalaw, si Ban sana ang kauna-unahang UN secretary-general mula sa communist state sa mahigit 20 taon.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …