Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

E.T. nakatago sa ‘Mona Lisa’

062615 mona lisa alien

BAGO pa man nalimbag ang bestseller ni Dan Brown na The Da Vinci Code, matagal nang naging palaisipan sa mga siyentista at debuhista ang nakabibighaning ngiti ng modelo ni Leonardo Da Vinci sa kanyang obra maestrang ‘Mona Lisa’ ngunit ngayon ay sinasabi ng isang grupo ng mga conspiracy theorist na mayroong nakababahalang bagay sa likod nito—na nagmula sa ibang daigdig.

Ayon sa bagong teorya ng grupo binansagan ang sarili bilang ‘The Paranormal Crucible,’ sa likod ng nakabibighaning ngiting nakalarawan sa obra ay isang paring ‘alien’ o extra terrestrial (E.T.) na ikinubli ng Simbahang Romano Katoliko sa nakalipas na ilang siglo.

Kasunod ng pag-scan sa compu-ter ng kilalang obra ni Da Vinci, na sinasabing portrait ng Italian noblewoman na si Lisa Gherardini, sinabi ng The Paranormal Crucible na kapag binaligtad ang bahagi ng background nito’y makikita ang anyo ng E.T. na lumilitaw sa kadi-liman—na sadya umanong itinago ni Da Vinci (tulad ng teorya sa nobela ni Brown) para ibulgar ang mga isinisekretong katotohanan sa loob ng Simbahang Katoliko.

“Naniniwala ang maraming mga teolohiyo na sinadyang itinago ni Da Vinci ang mga secret code at subliminal message sa karamihan ng kanyang mga idinebuho. Kung totoo ito, may katuwiran na i-assume na kaya ipininta ang Mona Lisa para itago ang mahahalaga at relihiyosong datos ukol sa presensiyang mula sa ibang daigdig at ang kaugnayan nito sa loob ng Simbahang Romano Katoliko,” punto ng grupo.

Habang may ilang nagdududa dahil minanipula umano ang imahe upang mas makita ang sinasabing E.T., may iba namang naniniwala na mismong si Da Vinci ay maaaring mula rin sa ibang daigdig. Naging teorya pa nga ni Scott C. Waring, na siyang nagpapatakbo ng UFO Sightings Daily, na ang dakilang debuhistang si Da Vinci ay isa ring alien.

“Makikita mo sa kanya ang lahat ng senyales. Masyado si-yang matalino, may extraordinaryong creative range, at ginamit niya ito para makalikha ng napakaraming bagay. Nagawa niyang maging dalubhasa sa mara-ming larangan ng buhay, na para sa isang tao ay kakaiba,” paliwanag ni Waring.

“Pambihira para sa isang genius na maging dalubhasa sa napakaraming bagay tulad ni Leo-nardo. Nakilala rin siya sa pagtatago ng mga sikretong mensahe at code sa kanyang mga artwork, kaya ang bagong diskubreng tulad nito ay susi na ating nakaligtaan ukol sa kakaiba niyang abilidad na nagmula o mismong sa mga alien,” dagdag ni Waring.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …