Tuesday , November 19 2024

Amazing: Pusa aksidenteng nakasakay sa eroplano

 

062615 Romain Jantot cat plane

083014 AMAZINGNATAGPUAN ng isang pusa ang kanyang sarili habang nakasakay sa isang lumilipad na eroplano kaya mahigpit na kumapit sa pakpak nito sa Kourou, French Guiana.

Sa video na ini-post nitong Hunyo 21 sa YouTube, sa simula ay hindi napansin ng piloto na si Romain Jantot at ng kanyang pasahero, ang nasabing pusa. Ngunit pagkaraan ay gumapang ang pusa palapit sa kanila, at nagulat sila nang matuklasan na mayroon ibang pasahero sa eroplano.

Agad na inilapag ni Jantot ang eroplano at ligtas na ibinaba ang pusa.

“A standard flight until … I still don’t know if it got in after the pre-flight check or if I missed it,” ayon sa video description.

“The cat is doing well, she is still our mascot.”

Minsan, ang viral video ay peke. Ngunit sinabi ni Arizona pilot Stephen Bass sa The Huffington Post, na maaaring ito ay tunay.

Si Bass ay pangulo ng nonprofit Copperstate Fly-In at mayroong 500 hours ng flying experience, kabilang ang light sport aircraft, katulad ng uri ng eroplano sa nasabing video.

“There’s fabric on the top and the bottom of the wing and space in between,” ayon kay Bass. “You see it crawling out from the center of the wing, where it was protected. I think it’s real.” (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *