MAGSASANIB sina dating Gilas Pilipinas head coach Vincent “Chot” Reyes at ang kanyang pambatong point guard sa national team na si Jimmy Alapag sa pagtuklas ng mga batang manlalaro mula sa iba’t ibang mga lungsod sa Pilipinas upang maging mga susunod na superstars ng basketball sa bansa.
Sa tulong ng sikat na sapatos na Nike, inilunsad nina Reyes at Alapag ang Nike Rise kahapon sa Makati kung saan silang dalawa ay pupunta sa Dagupan, Cebu, Davao at Metro Manila upang maghanap ng mga batang manlalaro mula sa iba’t ibang mga barangay at ilalagay sila sa isang lugar na kung saan ay mag-e-ensayo sila ng iba’t ibang mga leksyon tungkol sa basketball.
Sa katapusan ng programa ay 12 na manlalaro ang pipiliin nina Reyes at Alapag at haharap sila sa isang koponang binubuo ng mga manlalarong endorsers ng Nike tulad nina James Yap, Kiefer Ravena at Jeron Teng at irirekomenda sila sa iba’t ibang mga paaralan at puwede pang ikunsidera sa national team.
“Being involved in Nike Rise is part of my advocacy and vocation to be able to give back to these kids while also providing inspiration,” wika ni Reyes. “The best players are the ones who have that something within them, yung puso. I’m putting together a team made up of players who can play together as a team. These players will not quit but will show a lot of heart.”
Sa panig ni Alapag, ibibigay niya ang kanyang 12 na taong paglalaro sa PBA at sa national team para sa mga batang kasali sa Nike Rise.
“It’s about the work ethic. I was fortunate enough to play with the best coaches and I will be there with these young players to start the journey towards achieving their dreams,” ani Alapag.
Ang mga pangyayari sa Nike Rise ay mapapanood sa isang lingguhang palabas sa TV na mapapanood tuwing Linggo sa TV5 simula sa Hulyo.
(James Ty III)